^

Punto Mo

Nagkakalimutan sa motorcycle law!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang nagkakalimutan na naman sa mga batas at patakaran na may kinalaman sa motorsiklo.

Sangkaterba na naman ang aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo, ang resulta marami ang napapahamak at nadidisgras­ya, ang iba at buwis-buhay pa.

At sa nakikitang dahilan, marami kasi ang hindi sumusunod sa mga patakaran at batas ukol dito,

Tulad na lamang ng helmet law o ang Motorcycle Helmet Act of 2009 na tuluyang napasimulan noon pang 2013.

Ilang taon na rin itong tinututukan, pero ngayon tila nagluluwag na naman.

Marami na naman sa mga rider ang nagwawalang-bahala sa pagsusuot ng angkop na helmet kaya kapag nadisgrasya matindi ang nagiging pinsala.

May ilan naman, may dala ngang helmet habang lulan ng motorsiklo pero hindi isinusuot, Tulad na lamang nang nasita sa Quezon City kung saan nakipag-argumento pa sa mga traffic enforcer ang backrider na babae.

May helmet naman silang dala, yung nga lang nilagyan nila ng biniling ulam.

Ano ba yan?  At nang masita nga siya pa ang matapang na bulyawan ang sumitang traffic enforcers.

Hindi lang ang tungkol sa helmet ang nakakaligtaan, maging ang iba pang patakaran na ipinatutupad ng LTO, tungkol sa dami ng lulan ng motorsiklo.

Kung talagang susubaybayan, marami ang mahuhuli na lumalabag sa araw-araw sa mga lansangan.

Hindi lang isa madalas ang angkas, minsan dalawa meron pa ngang tatlo, buong pamilya nakasakay sa motorsiklo.

Pati ang tungkol sa pag-aangkas ng bata, tila pinagwawalang bahala. Base sa batas dapat ang angkas na bata ay abot ang foot peg ng motorsiklo at kayang humawak sa beywang ng rider.

Pero marami pa rin ang masusumpungang maliliit na paslit wala pang elmet angkas-angkas sa motor. May ilan pa ngang backrider may bitbit na sanggol. Partida hindi na nito nakukuhang kumapit sa rider dahil nga sa bitbit na sanggol o paslit.

Sana ay mabigyan ito ng pansin ng mga kinauukulan na mabantayan, ito naman ay para na rin sa kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo at sa kanilang mga lulan.

Sana ay matututukan, hindi lang ang pagsasaayos sa trapiko ang dapat mabantayan kundi higit sa lahat ay ang kaligtasan ng mga motorista sa lansangan kabilang na ang mga nagmomotorsiklo.

Disiplina pa rin ang dapat pairalin, anumang sasakyan ang dala o minamaneho.  Kung ito ang mangyayari mababawasan ang mga aksidente sa lansangan na talaga namang mataas sa kasalukuyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with