^

Punto Mo

Titulong ‘Oldest Man’ namamana na rin

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HALOS taun-taon, iba’t ibang centenarian (yaong mga tao na 100 taon ang edad o mahigit pa) ang tila nagmamana sa korona bilang pinakamatandang tao sa mundo.  Hindi naman siya isang timpalak dahil nakasalalay lamang ito sa kung hanggang kailan tatagal dito sa lupa ang isang tao na mahigit 10 dekada nang nabubuhay. Kung meron mang  pangalawa sa pinakamatanda, tiyak na siya ang susunod na hahawak sa korona kapag namatay ang nangungunang oldest human.

Isang halimbawa ang Kastilang si Francisco Nunez Olivera ng Bienvenida, Spain na itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo hanggang mamatay siya noong Enero 29, 2018 sa edad na 113 taong gulang. Meron siyang apat na anak, siyam na apo at 15 apo sa tuhod.  Tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, may handa siyang sponge cake at baso ng gatas bago niya bubuksan ang mga natanggap niyang sulat mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na bumabati sa kanya. Meron pa siyang nabubuhay na mga kapatid na may edad na 97 at 93 anyos.

Namana ni Olivera ang titulong world’s oldest man nang mamatay naman noong Agosto 11, 2017 sa edad na 113 taon at 330 araw ang noon ay itinuturing pang pinakamatandang tao sa mundo na si Yisrael Kristal, isang Polish-Israeli.

Ayon sa kanyang mga kamag-anak, humaba ang buhay ni Olivera dahil kumakain lang ito ng mga gulay na inaani mula sa sarili niyang lupain at pag-inom ng isang basong red wine araw-araw.

Sa pagkamatay ni Olivera, magmamana naman ngayon ng kanyang korona bilang pinakamatandang tao sa mundo ang lalaking Hapones na si Masazou Nonaka na isinilang noong Hulyo 25, 2005 at kasalukuyang may edad na 112 taon at 189 araw.

Pero hindi masasabing accurate ang mga naglalabasang ulat hinggil sa mga centenarian dahil, kalimitan, may mga matatandang hindi makumpirma ang kanilang edad dahil walang katibayan o ang mga birth certificate nila o ibang kaukulang dokumento ay kasamang nasunog o nasira sa nagdaang mga giyera lalo na noong World War 1 at World War II.  Marami na rin namang centenarian sa Pilipinas at maaaring meron sa kanila ang umaabot na sa mahigit 110 taong gulang, Malay natin, mapansin at makumpirma rin ng Guiness at ng ibang mga nagsasaliksik sa mga pinakamatandang tao sa mundo na meron na rin palang Pilipinong dapat magmana ng naturang korona.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with