^

Punto Mo

Facebook Wallflower ka ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KUNG maraming Facebook user ang aktibo sa social media na ito, iyong lagi o madalas na may mga pino-post na comment sa mga lumalabas sa kanyang wall, sini-share, nila-like, mga litrato, naglalahad ng kanyang pananaw sa iba’t ibang usapin, marami rin namang gumagamit nito ang nagiging tila dekorasyon na lang as FB. Masasabing walang kabuhay-buhay ang kanilang account dahil  hindi na-update ang kanilang newsfeed o kokonti ang nasa friendlist o wala man silang mga reaksyon o komentaryo sa mga litrato o usapin o bagay-bagay na lumilitaw sa kanilang wall. Pero makitid na pagtingin naman ito dahil dapat isaalang-alang na may mga tao na hindi aktibo sa Facebook dahil sa mga kaabalahan nila sa araw-araw na pamumuhay o walang regular na access sa internet. Maaari ring gumawa lang sila ng account sa Facebook dito para makapaglaro ng mga games o makisakay lang sa uso  o ginagawa lang nila itong pampalipas-oras.

Sa Amerika, ayon sa ulat ni Mary Papenfuss sa HuffPost, natuklasan sa ilang pag-aaral na ang pagbabasa ng mga post sa Facebook nang walang pinoposteng mga mensahe o sumasagot sa mga komentaryo ay nakakapagpapasama sa pakiramdam ng user nito. 

Isang halimbawa umano ang isang pag-aaral noong 2015 sa University of Michigan na nagpapakita na ang mga nagbabasa lang ng mga Facebook post sa loob ng 10 minuto ay higit na  nasisira ang mood kumpara sa mga nagpo-post ng mga mensahe o komentaryo sa mga pino-post ng kanilang mga friend.

Ayon sa ulat, ipinalalagay ng mga mananaliksik na maaaring ang mga nagbabasa lang ng mga post ay ikinukumpara lagi ang kanilang buhay  sa ipinoposte ng iba na tila marami silang pagkukulang sa buhay. Teorya lang naman nila iyon at hindi masasabing totoo sa ibang mga gumagamit ng Facebook.

Sinasabi ng Facebook na nakakabuti sa pagkatao ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao lalo na sa pakikipagbahagi ng mga mensahe, post at comment sa mga kaibigan at pagbabalik-tanaw sa nagdaang mga pakikisalamuha sa ibang tao.

Isinasaad din sa sariling pananaliksik ng Facebook at ng Carnegie Mellon University na ang mga tao na nagpapadala o tumatanggap ng mas maraming mensahe, komentaryo at timeline post ay napapaulat na nakakatanggap ng mas magandang social support lalo na sa panahon ng depression at kalungkutan. Mas malakas ang epekto kapag nakikipag-usap ang mga tao sa malalapit nilang kaibigan sa internet.

Pero hindi magkakatulad ang mga konklusyon ng mga pananaliksik sa usaping ito. Sa isang pag-aaral ng Oxford at University of California, mas nakakatulong sa pagkatao ang personal o harap-harapang interaksyon ng mga tao kaysa mga pagkontak sa pamamagitan ng computer.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with