^

Punto Mo

Pap-smear, gawin taun-taon

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KUNG may isang test na dapat gawin sa mga kababaihan taun-taon, ito ay ang pagpapa-Pap smear. Ginagawa ito ng mga OB-Gyne sa kanilang klinika. Nade-detect kasi nito ang 95 porsiyento ng kanser sa cervix (‘yung tinatawag na kuwelyo ng matris). Natutuklasan din nito ang iba pang kondisyon na ma­aaring magbigay-daan sa kanser sa cervix na nagagamot naman.

Bakit tinawag na Pap smear? Ipinangalan ang test na ito kay George Papanicolaou na nag-develop nito. Ginagawa ito kapag sumasailalim ang isang babae sa pelvic exam. Dito ay nagpapasok ng instrumentong speculum sa loob ng vagina (siyempre, may pampadulas naman), tapos ay magpapasok ng spatula at brush sa nakabukang speculum upang kumuha ng sampol ng mga cells sa cervix. Ilalagay ito sa slide at ipadadala sa laboratoryo para masuri. Doon makikita kung may pagbabago bang nagaganap sa kuwelyo ng matris.

Makararanas ng konting discomfort habang ginagawa ito. Pero mas maraming benepisyo ang makukuha ng mga kababaihan kung regular silang sasailalim sa procedure na ito.

Kung lumabas na negative ang result, ibig sabihin ay normal ang inyong cervical tissues. Kaya talaga namang mapapanatag ang loob n’yo. Pero kung lumabas na positive ang result ng Pap smear, ibig sabihin ay nakakita ng mga abnormal cells sa inyong cervix. Hindi naman agad nangangahulugan na may kanser na o pre-cancerous na ang cervix. Kakailanganin ang expertise ng isang pathologist upang tingnang maigi ang mga naturang abnormal cells para mapayuhan ang pasyente kung ano ang hakbang na susunod.

Kailan dapat unang sumailalim sa Pap smear? Pagtuntong ng edad 21, puwede na. O mas bata pa kung maagang naging sexually active. Pagtuntong ng edad 30, at pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na negative na pap smear, puwedeng hindi na ganun kadalas ang pagsasagawa nito. Hingin pa rin ang opinyon ng OB-Gyne tungkol dito. Pero kung ikaw ay napapabilang sa tinatawag na high-risk group, dapat ay taunan ang pagpapa-Pap smear.

Sino ang mga babaing nasa high-risk group? 1) Mga ba­baing nakipagtalik na bago pa tumuntong ng 18 years old; 2.) Mga babaing iba’t ibang partners na ang nakatalik; 3) Mga babaing nagkaroon na ng sexually transmitted disease; 4.) Kung dati nang nagkaroon ng abnormal na Pap smear.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with