^

Punto Mo

Mga ugaling pangkalusugang ipagpapasalamat sa hinaharap

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ILANG eksperto ang nagre­komenda ng ilang kaugaliang maaa-ring isagawa ng tao bilang paghahan­da sa kanyang hinaharap pagdating sa usapin ng kalusugan. Maipagpapasalamat mo ang mga kaugaliang ito sa hinaharap. May punto naman dito dahil, batay sa komento ng ilang mga scientist, hindi naman kailangang magkasakit kapag tumatanda ang tao. May mga sakit na maiiwasan naman habang bata at habang tumatanda rin kung magkakaroon lang ng tinatawag na healthy lifestyle. Kung gagawin ng bawat tao ang ilang mga hakbang na pangkalusugan, maiiwasan ang ilang mga problemang kalusugan na maaaring dumating sa hinaharap.

Isa rito ang pagtulog na kailangan ng katawan para mai-sagawa ang kinakailangang mga pagkumpuni sa loob nito para makaiwas sa anumang sakit. Ang kakulangan sa pagtulog ay ikinakawing sa ilang mga usapin tulad ng sakit sa puso at humihinang immune system. Inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga may edad na o matatanda ay magkaroon ng pito hanggang siyam na oras na pagtulog gabi-gabi.

Ugaliin ding maging aktibo o laging kumikilos. Maaaring pagbibisikleta o paglalakad o ehersisyo o anumang gawain para patuloy ang sirkulasyon ng dugo na dahilan para maging malakas at merong enerhiya ang katawan. Lumalabas sa pag-aaral na ang regular na pag-eehersisyo ay nakakapagpabawas ng panganib sa mga kundisyon mula sa kanser hanggang sa sakit sa puso.

Mahalaga ring ugaliin ang pagkain ng masusustansiyang pagkain para sa mabuting kalusugan. Ang paglalagay sa katawan ng masusustansiyang pagkain tulad ng sariwang prutas, gulay at whole grains ay makakatulong na manatiling gumagalaw ang normal na sistema ng katawan at makakatulong din na makaiwas sa mga sakit.

Kabilang din sa dapat ugaliin ang laging pag-inom ng maraming tubig para manatiling umaandar nang maayos ang inyong katawan. Panatilihing hydrated ang katawan para makatulong sa mga bagay na tulad ng pagtunaw ng pagkain at sirkulasyon sa katawan. Maraming eksperto ang nagrerekomenda ng anim hanggang walong  basong tubig o fluid araw-araw.

Isa ring paraan ng pagpapabawas sa stress ang meditation at nakakabuti sa katawan ang meditation na kung uugaliin ay makakadagdag sa relaxation, pagiging focus at nakakapagpasaya na nakakabuti sa pagkatao.

Mahalaga rin sa pagmamantini ng kalusugan ang tinatawag na mindful drinking. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakakasira sa mga lamanloob tulad ng atay at puso. Nagpapahina rin ito sa inyong immune system na dahilan para higit na magkasakit.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with