^

Punto Mo

Kutsara pinapakuluan…paano ang mga baso?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Karaniwan na sa mga res­tawran, fastfood, food court, karin­derya at iba pang mga kainan ang nakagawiang paglulublob ng mga bagong hugas na kutsara at tinidor sa mga sisidlan ng mainit o pinakuluang tubig bilang isang sistema ng kalinisan dahil na rin ang mga kagamitang ito ay nagpapalipat-lipat sa maraming iba’t-ibang bibig araw-araw at gabi-gabi na dahil sa dami ay hindi mo na matutukoy kung may nakakahawang sakit o wala ang mga gumagamit.

Meron ding mga kainan lalo na iyong mga nasa mga bangketa ang walang ganitong hygiene na nakuntento na lang sa paghuhugas ng mga gamit nang kutsara at tinidor nang hindi na binabanlian sa mainit na tubig lalo pa kung wala namang nagmamatyag na health inspector mula sa mga pamahalaang lokal. Meron namang mga kustomer na, sa ilang kadahilanan, humihingi na lang ng mga disposable na kutsara at tinidor (iyong plastic) kahit puwede namang hilingin sa nagbabantay sa pampublikong kainan na banlian sa baso ng mainit na tubig ang pilak na mga kubyertos. O puwedeng hindi nagbabanli ng mga kutsara at tinidor iyong kainan kaya humihingi na lang sila ng disposable na kubyertos. Maaari nga lang mapagdudahan ang pinanggalingan ng mga plastik na kutsara at tinidor dahil maaari rin naman itong i-recycle o gamitin uli pagkahugas.

Pero, paano naman ang mga basong ginagamit sa naturang mga kainan? Tulad din sila ng mga kubyertos na nagpapasalin-salin din sa bibig ng iba’t-ibang tao araw-araw o gabi-gabi. May implikasyon nga lang dahil hindi lahat ng baso ay maaaring banlian sa mainit na tubig. May mga basong babasagin na madaling mabasag sa oras na lagyan ng mainit na tubig. Puwede siguro ito sa mga basong gawa sa lata pero hindi naman lahat ng mga restawran ay meron nito. Parang kakatwa o nakakatawa ang ganitong usapin pero hindi rin masamang ikonsidera at mapag-isipan ng mga nasa industriya ng pagkain.

Kaya, minsan, nakakabuti rin iyong sistema sa ibang kainan na disposable na mga baso ang ginagamit. Iyong mga gawa sa papel o plastic o styrofoam na itatapon na lang pagkagamit. Hindi nga lang ito maganda para sa kapaligiran lalo na kung isasaalang-alang ang global warming at magastos din sa panig ng mga may-ari ng mga restawran dahil madalas silang bibili ng mga ganitong baso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with