^

Punto Mo

Sapatos para sa mga diabetic

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG mga kababayan nating diabetic ay pinapayuhang mag-ingat sa pagpili ng sapatos o anumang sapin sa paa. Baka magkaproblema sa sirkulasyon ng dugo dahil sa sikip ng napi-ling sapatos o baka naman nagsugat na dahil sa di-wasto ang fitting ng sapatos. Tandaan na matagal gumaling ang sugat ng diabetic kaya dapat na maging maingat sa pagbili ng sapatos. Magsuot ng sapatos na maluwag ang entrada. Kung masikip, magkakaproblema ang sirkulasyon ng dugo ng paa.    

Tips sa pagpili ng sapatos:

Mas malapad na espasyo para sa mga daliri ng paa. Mas mainam ang sapatos na nakahihinga ang mga daliri ng paa. Hindi maganda ‘yung halos mapipi na ang hinliliit ng paa dahil sa sikip ng sapatos. Piliin ang mas kumportable sa inyo. ‘Yung sabi nga ay maluwag ang entrada. Higit sa istilo ng sapatos, mas dapat isipin ang idudulot na ginhawa ng sapatos sa ating mga paa. Pero kung gusto n’yong magkaroon ng kalyo, bukol, o ingrown toenails, magsapatos kayo ng ubod-sikip o patulis ang dulo!

Hindi masyadong mataas na takong. Para sa mga babaeng bibili ng sapatos, iwasan ang sapatos na sobrang taas ang takong. Tatangkad ka ngang tingnan pero nahihirapan ka naman sa suot na stiletto. Nagdadagdag ng ekstrang stress sa tuhod at likod at sapatos na ubod na taas ang takong. Kasi’y napipilitan kang mag-lean pagawing likod sapagkat pinipilit mong mag-compensate sa patingkayad mong lakad dulot ng sapatos na ubod-taas ang takong. Pangarap mo ba kasing maging ballet dancer? Piliin lamang ang sapatos na di hihigit sa 2 pulgada ang taas ng takong. Yun ay para makaiwas ka sa problema sa litid (Achilles tendon) at pananakit ng mga daliri sa paa.

Sapatos na may tali. Mas mainam bilhin ang ganitong sapatos sapagkat puwede mong luwagan o higpitan ang tali depende sa nais mong luwag. At least, sa ganitong sapatos, meron kang choice.

Kumportableng material na ginamit sa sapatos. Mas mainam ang sapatos na sabi nga ay nakahihinga ang paa. Yung malambot na tela o balat o suede ay mainam sa paa. Iwasan ang sapatos na yari sa plastic o vinyl. Piliin din ang sapatos na malambot ang tapakan. 

Oras ng pagbili ng sapatos. Ipinapayong mamili ng sapatos sa dakong hapon o gabi para makita ang tamang fit sa paa. Sinasabing mas malaki ang paa sa dakong hapon dahil maghapong ginamit ang paa.

Huwag maniwala sa salestalk ng mga salesladies/salesboys. ‘Yung sinasabing luluwag pa ang sapatos o mas magiging kumportable ito pagdating ng araw, huwag paniwalaan. Kung sa unang pagsukat sa tindahan ay nahihirapan na ang paa n’yo, baka manatiling ganun na ‘yun. Huwag magbaka-sakali. 

Kung rubber shoes ang bibilhin, alamin kung para saan ang purpose nito. May rubber shoes kasi na pang-running, pang-trekking o mountain climbing. May ordinaryo ring rubber shoes na pang-malling o panglibot-libot lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with