^

Punto Mo

Love at first sight hindi totoo?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

POSIBLE nga bang umibig agad ang isang tao sa isang babae o lalaki sa una pa lang nilang pagkakakilala o pagkikita? Meron nga ba talagang tinatawag na love at first sight? Paano nga bang mapapatunayang kumakabog agad ang kanyang puso at nakadama ng totoong pagmamahal sa taong iyon na hindi pa naman niya lubos na nakikilala? 

Dahil dito, isang grupo ng mga researcher mula sa University of Groningen sa The Netherlands ang gumawa ng kaukulang pag-aaral para siyentipikong maimbestigahan kung totoo ngang merong tinatawag na Love At First Sight (LAFS). Napaulat ito sa Toronto Sun.

Ayon sa konklusyon ng mga psychologist, ang ipinalalagay ng ibang tao na love at first sight ay mas malamang na isa lamang malakas na pisikal na atraksyon. Ipinahihiwatig na maaaring naguwapuhan lang ang isang babae sa isang lalaki o naseksihan lang ang lalaki sa isang babae na naipagkakamali na nilang pag-ibig.

Ang mga sinaklaw ng pag-aaral sa ginawang online survey ay binigyan ng ilang mga tanong hinggil sa kanilang mga relasyon sa isang babae o lalaki. Pinakitaan din sila ng litrato ng iba’t ibang estranghero at tinanong ang rate ng kanilang attraction sa mga ito at banggitin ang anumang nararamdamang pag-ibig, pakikipagmalapitan, commitment at “eros”. Tinanong din sila kung sa tingin nila ay nakaramdam sila ng love at first sight.

Ayon sa mga researcher, 32 kalahok na lalaki karamihan ang naglarawan ng 49 na karanasan ng love at first sight sa panahon ng pagsusulit. Ipinahiwatig na, sa pag-aaral, lumabas na sa magkapareha ay hindi mutual o hindi pareho ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ang karanasan sa LAFS ay malakas na kunektado sa pagtingin sa ibang tao na kaakit-akit, kahali-halina, matangkad, matangos ang ilong, sexy, at walang senyales ng matinding pagmamahal at pagiging malapit o intimacy.

Sa konklusyon, ayon sa mga researcher, hindi passionate love o pag-ibig sa pangkalahatan ang napapaulat na LAFS.

Idiniin nila na ang LAFS ay hindi natatanging anyo ng pag-ibig. Sa halip, isa lamang iyong malakas na inisyal na atraksyon sa unang pagkikita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with