^

Punto Mo

Overnight charging sumisira sa baterya ng smartphone?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI sa mga gumagamit ng smartphone ang nakaugaliang i-recharge ang kanilang telepono sa buong magdamag habang sila ay natutulog. Pero, ayon sa ilang tech expert, ang ganitong nakaka­gawiang overnight charging ay lalo lamang sumisira sa baterya ng smartphone.

Ayon sa mga ekspertong ito, mas mabilis nababawasan ang pangmatagalang kapasidad ng baterya ng smartphone kapag hinayaan nakasaksak ito sa recharger na nakasaksak sa outlet ng kuryente sa buong gabi kaysa sa pag-charge ng smartphone sa loob ng ilang oras sa isang araw o maghapon.

Ipinaliwanag ni Hatem Zeine, tagapagtatag ng Ossia na isang developer ng wireless charging technology sa ulat ng Time, ang pagpapa-charge sa smartphone habang ikaw ay natutulog ay nagbubunga sa tila nakakabit pa sa charger ang iyong baterya sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan kada taon. Kahit anya sinosolusyunan ng mga manufacture ang ganitong senaryo, pinapapababa naman ng prosesong ito ang kapasidad ng baterya ng iyong smartphone. 

Pero inayunan naman ng mga tech expert na hindi mao-overcharge ang iyong telepono. Kapag na-charged na sa 100% ang baterya, inihihinto na ng hardware o ng mismong smartphone ang charging. Ang mga makabagong smartphone ay mayroong built-in protection chip na nangangalaga sa telepono laban sa pagtanggap ng charge na higit pa sa dapat nitong makuha, ayon kay Edo Campos na tagapagsalita ng battery-maker na Anker. 

Gayunman, ang sumisira umano sa baterya ay ang tinatawag na trickle charge. Kapag naka-charge sa magdamag ang baterya, namamatay na ang charger pagdating sa 100% pero binabawasan nito ang charge sa gabi. Ito ang tinatawag na trickle charge. Kaya sa, magdamag na charging, nagpapalipat-lipat ang telepono sa pagitan ng 100 percent, sa mas mababa rito, at sa trickle charge.

Hindi agad makikita ang pinsala sa baterya pero mapapansin ang epekto ng overnight charging pagkaraan ng dalawa o tatlong taon.

Ang payo ng tech expert, huwag hintaying mag-zero percent ang baterya bago ito i-recharge. Sa oras na bumaba na sa 35% o 40%, isaksak na ang telepono sa charger dahil mas mabilis nasisira ang baterya sa full charges. Panatilihin ding malamig ang smartphone habang nire-recharge dahil sinisira ito ng init. At huwag itong ilagay sa ilalim ng inyong unan o kumot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with