^

Punto Mo

Patakaran sa litrato ng bangkay kailangan?

Ramon Bernardo - Pang-masa

NAGING isyu at pinagdebatehan sa social media ang pagkakaposte rito ng larawan ng bangkay ng isang actress-singer habang ito ay nasa kabaong. May mga nainis at nabastusan sa taong nag-upload ng naturang litrato ng aktres na namatay kamakailan habang dumadalo sa ilang event sa ibang bansa. Nanawagan nga ang kanyang pamilya at mga kaibigan  na tanggalin sa Facebook ang larawan.

Dapat hiningi muna ang pahintulot ng pamilya bago nilitratuhan ang bangkay. Sabi nga, meron nang kalatas sa kinabuburulan ng aktres na bawal sa loob ang smartphone at kumuha ng litrato pero meron pa ring nakalusot at palihim na nilitratuhan ang kanyang mukha at ini-upload pa sa Facebook. Kumalat na ito at marami ang nag-share. Tila nangyari ito nang buksan sa publiko ang burol para makita ng mga kanyang mga tagahanga ang aktres sa huling sandali nito sa lupa.

Pero marami ring netizen ang nagtanggol sa taong nag-upload ng naturang litrato. Ikinakatwiran nila na isa ring public figure ang aktres kaya hindi maiiwasang makunan ng litrato ang kanyang labi at maikalat sa social media ito. May nagsabi naman na, dahil nagtakda ng public viewing sa burol ng aktres na rito ay maaaring masilayan nang personal ng sino man o mga tagahanga ang kanyang mga labi, ano raw ang kaibahan kung kumalat man ang litrato ng bangkay nito sa Facebook?

May mga nagkomento rin na napakalayo nila sa kinabuburulan ng aktres at may trabaho sila na dahilan kaya hindi sila makakapunta sa lugar kaya ipinagpasalamat nila na nakita man lang nila ang litrato nito sa social media.

Sabagay, celebrities man o pribadong tao ang patay, kalimitan ay walang nagpapakita sa social media ng litrato ng bangkay na nasa loob ng kabaong. Kahit sa mga lehitimong news outlet, kalimitan ay panlabas o gilid ng kabaong lang ang ipinapakita.

Bihira man kung may lumabas na litrato ng mukha ng patay at maaaring may permiso ito ng pamilya. Sa Facebook, karaniwan at marami na ang nagpoposte sa burol ng mga namamatay na pribadong tao pero tila wala o bihira ang nagpoposte ng litrato ng mismong bangkay nito. Siguro nga ay bilang paggalang sa namayapa at sa kanyang mga naulila.

O baka kailangan talaga magkaroon ng opisyal at mahigpit na regulasyon, ordinansa o batas sa mga punerarya o saan man ginagawa ang mga burol at lamay ng isang patay hinggil sa pagkuha ng litrato rito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with