^

Punto Mo

Pinakamabilis na pagtapos sa isang Marathon, nagawa ng isang Kenyan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWA ng isang atleta mula Kenya na tapusin ang isang marathon sa loob lamang ng 2 oras at 24 segundo.

Sa kabila nito, dismayado pa rin ang Olympic athlete na si Eliud Kipchoge dahil hindi siya nagtagumpay sa layunin niyang tapusin ang marathon ng mas maikli sa 2 oras.

Wala pa kasing nakakatapos ng isang marathon ng ganoon kabilis at balak sana niyang siya ang kauna-unahang makagawa nito.

Sadyang mahirap tapusin ng mas maikli sa 2 oras ang 26.2 milya na bumubuo sa isang marathon at ayon sa mga eksperto ay sa taon 2075 pa ito magagawa ng mga tao.

Upang matapos ang isang marathon ng mas maikli sa 2 oras ay kailangang takbuhin ng isang runner ang isang milya sa loob lamang ng 4 minuto at 35 segundo.

Nagawa ito ni Kipchoge sa mga unang bahagi ng marathon ngunit sa kasamaang palad ay bumagal ang kanyang pagtakbo sa huling dalawang lap kaya hindi niya naabot ang tinatarget niyang oras.

Masaya naman si Kipchoge sa naging resulta ng kanyang pagtakbo kahit nabigo siya sa kanyang layunin na pinaghandaan niya ng pitong buwan.

Balak niyang subukan ulit na makuha ang kanyang hina-hangad na world record dahil naniniwala siyang makakaya na niyang lampasan sa susunod ang 25 segundo na pumipigil sa kanya upang makamtan ito.

vuukle comment

ELIUD KIPCHOGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with