^

Punto Mo

‘Dinaig ang taga Maynila’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

WALANG ATENEO, walang UP, walang La Salle, walang San Beda at walang UST. Walang mga malalaking eskwelahan na kilalang mga law schools na napasali sa top 10 ng 2016 bar exams.

Puro mga taga probinsya ang sampung nanguna sa 2016 bar exams at walang taga Metro Manila ang nakalusot kahit isa man lang.

Ang nag top 1 ay si Karen Mae Calam ng University of San Carlos. Pumangalawa sa kanya ang taga Siliman University na si Alanna Gayle Ashley Khio, sinundan nina Fiona Cristy Lao ng University of San Carlos at Athalia Liong ng Andres Bonifacio College bilang top 3.

Nasa ika-apat naman si Allana Mae Babayen-on ng University of San Agustin, top 5 si Justin Ryan Morilla ng Ateneo de Davao University.

Top 6 si Mark Dave Camaro ng Northwestern University, top 7 Anne Margaret Momongan ng University of San Carlos, top 8 ang galing sa University of San Carlos, nasa top 9 sina Nia Rachelle Gonzales mula sa University of Batangas at Marie Chielo Ybio ng Siliman University at si Andrew Stephen Liu ng Siliman University.

Bagamat ipinagdarasal din ni Calam na mag top 1 siya ay hindi niya naman inasahan na yun nga ang masusungkit niyang pwesto.

Maraming malalaki at kilalang unibersidad sa Metro Manila na inaasahang mangunguna dito pero wala sa kanila ang nakasungkit ng pwesto sa top 10.

Unang beses ito na walang napasamang taga Metro Manila sa top 10. Nangangahulugan lang ito na hindi nakasalalay sa klase ng unibersidad ka nagtapos kundi nasa pagtiya-tiyaga ng tao na mag-aral.

Apat sa nasa top 10 ay nanggaling sa University of San Carlos sa Cebu. Siguradong ipagmamalaki nila ito lalo na at sa kanilang unibersidad nanggaling ang nanguna sa bar exam.

Kapag may sipag at tiyaga ka ang bagay na sa tingin mo ay di mo kaayang maabot ay kakayanin mong makuha.

Sa taong ito puro taga probinsya ang nanguna at sikat sa bar exams.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ATENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with