^

Punto Mo

Babae sa Indonesia, may alagang 1,500 Tarantulas sa bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG marami ang kinikilabutan sa simpleng  pagkakita lang sa isang gagamba, isang babae naman sa Indonesia ang di-makaugaga sa pag-aalaga sa mga ito.

Sa katunayan nga ay sa sobrang pagkahilig ng 28-anyos na si Ming Cu sa mga gagamba ay nag-aalaga na siya ngayon ng 1,500 tarantulas sa mismo niyang pamamahay.

Nagsimula ang obsession ni Cu sa mga tarantula pitong taon na ang nakararaan nang minsang makakita siya ng isa sa mga ito sa kanilang bakuran sa Bandung, Indonesia.

Natuwa siya sa itsura nito noong kunan niya ito ng litrato at hindi lumaon ay naghahanap na siya online para sa iba pang mga tarantula na puwedeng mabili at gawing alaga.

Simula noon ay gumastos na si Cu ng higit $55,000 o katumbas ng higit 2.76 milyong piso para sa koleksyon niya ng 1,500 tarantulas na itinira niya sa isang espesyal na silid sa kanilang tahanan.

Noong una ay ayaw pa ng mga magulang ni Cu na mag-alaga siya ng mga gagamba sa bahay ngunit ipinakita naman daw ni Cu na pinag-aralan niya ang tamang pag-aalaga sa mga ito at ang mga paraan upang hindi sila makatakas mula sa kanilang mga lalagyan kaya sa huli ay pumayag na rin sila.

Sa sobrang daming alam ni Cu sa mga tarantula ay binansagan na siyang “Queen Tarantula” ng mga kapwa niyang nag-aalaga ng gagamba. Hindi naman ikinakahiya ni Cu ang titulong ito na ipinagmamalaki pa nga niya.

vuukle comment

INDONESIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with