^

Punto Mo

‘Harapang Duterte at Trump’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

NAGKALAMAT ang relasyon ng Pilipinas at Amerika nung panahon ng panunungkulan ni dating US President Barack Obama.

Pinuna ni Obama ang kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga kaya naman nagbatuhan ng hindi magagandang pahayag ang dalawang kampo.

Nang maupo sa posisyon si US President Donald Trump tila nabago ang ihip ng hangin. Binati ni Presidente Duterte sa kanyang pagkakapanalo si Trump.

May mga pagkakapareho rin daw sila kaya mukhang pabor siya rito. Pareho rin nilang isinusulong ang kampanya laban sa droga.

Ngayong darating na Nobyembre ay kumpirmadong darating sa bansa si US President Trump upang dumalo sa East Asia Summit at US-ASEAN Summit.

Nagkausap sa telepono ang dalawang lider. Napag-usapan nila ang tungkol seguridad at ang nagbabadyang giyera sa Korean Peninsula nang dahil sa banta ng North Korea.

Natalakay din sa kanilang pag-uusap ang tungkol sa puspusang pakikipaglaban ni Presidente Duterte laban sa droga at kung ano ang magiging epekto nito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Maging ang ating Presidente ay inimbitahan ni Trump na bumisita sa White House ngayong taon upang mapag-usapan ang alyansang Pilipinas at Amerika.

Magandang senyales ito dahil sa lahat ng aspeto mas magandang mas marami kang kaibigan o kasangga kaysa sa kaaway.

Ang nalamatang relasyon ng dalawang bansa ay mukhang maaayos dahil ang dalawang lider ay pareho namang bukas sa pakikipag-usap at pakikipagtulungan upang mas mapaganda ang kanilang sistema.

Malaking bagay rin na parehong isinusulong ng dalawang lider ang laban kontra sa iligal na droga dahil talagang ito ang nagiging sanhi o pinagmumulan ng maraming krimen saan mang lugar sa bansa.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with