^

Punto Mo

Sabwatang Corpuz at PMA Class ’82 lumarga na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

ATAT NA ATAT na si PCSO chairman Jose Jorge Corpuz na ipasa ang illegal gambling sa Metro Manila sa classmates niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’82. Hindi nakuha sa paspasang dasalan ang illegal gambling sa Metro Manila kaya dadaanin ng PCSO sa legal kung saan kinakatigan naman ni Corpuz ang classmates niya. Sa totoo lang, miniting ng PCSO officials ang stakeholders ng illegal gambling sa isang restaurant sa Pasay City noong Huwebes kung saan hinikayat nila ang mga dumalo na suportahan nila ang PMA Class ’82…..este ang programa pala ni Pres. Digong na magkalap ng pondo para sa libreng gamot ng mga mahihirap na Pinoy. Sinabi ni Corpuz sa kanyang imbitasyon na ipakilala sa naturang miting ang mga opisyales ng Happy Cool Games and Amusement Corp., ang authorized agent ng PCSO sa southern Metro Manila. Hindi lang arok ng mga kosa ko kung lumutang sa naturang miting si Gen. Tsunami at iba pang kaklase ni Corpuz, na naglalaway nang makapag-umpisa ng kanilang negosyo sa southern Metro Manila. Boom Panes! Hehehe! Mukhang malapit na sa katotohanan ang pagyayabang ng PMA Class ’82 na sila na ang kokopo sa illegal gambling sa buong bansa. Tumpak!

Sa totoo lang, panay retired na sa PNP at AFP ang mga miyembro ng PMA Class ’82. Ang huling nagretiro sa PNP ay si Dep. Dir. Gen. Francisco Uyami, ang dating No. 2 man ng PNP. Hindi lang arok ng mga kosa ko kung kasali si Uyami bilang kapitalista ng Happy Cool. Subalit sinabi ng mga kosa ko na pursigido naman si Gen. Tsunami na makopo ang illegal gambling sa Metro Manila at kinakasapakat pa niya si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde. Si Gen. Tsunami mga kosa at iba pang classmate niya ay naglibot na sa Metro Manila at kinausap ang mga management ng illegal gambling at nag-offer ng 3 percent ng kubransa para patakbuhin ang negosyo nila. Sa tingin ko tinanggihan ang offer nila dahil ginagamit na ng PMA Class ’82 ang impluwensiya ng kaklase nila na si Corpuz’. Boom Panes! Hehehe! Weder-weder lang yan!

Kahit pilit na itinutulak ni Corpuz ang negosyo ng classmates niya sa PMA Class ’82, hindi naman sila makapag-umpisa kaagad dahil wala silang tinatawag na permit to operate galing sa local government units (LGUs) ng Pateros, Muntinlupa, Paranaque, Las Piñas, Taguig, Makati at Pasay. Hindi lang ‘yan! Wala pa rin silang itinayo na draw court kung saan bobolahin ang resulta ng expanded Small Town Lottery (STL) ng PCSO sa southern Metro Manila. Hehehe! Maganda ang sabwatan nina Corpuz at mga kaklase n’ya para makopo ang illegal gambling sa Metro Manila, no mga kosa?

Kung ang mga kosa ko ang tatanungin, may semplang pa rin ang Happy Cool dahil hindi pa sila nakapag-sumite ng Presumptive Monthly Retail Receipt kung saan gagawing basehan ng PCSO para sa bond nila na magsisilbing  para naman sa tinatawag na authorization fee, na hindi refundable sa mga gambling financiers. Hindi maipaliwanag ni Corpuz at PCSO Gen. Man. Alexander Balutan kung kaninong bulsa mapupunta ang milyones na authorization fee. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kinausap na nina Corpuz at Balutan si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa para hilingin ang suporta nila para magiging matahimik ang tuloy-tuloy na ang takbo ng expanded STL nila. Panay utos ng PCSO sa PNP na magsagawa ng raid sa mga puwesto ng bigtime gambling lords subalit nag-aatubili ang pulisya dahil hindi naman sina Corpuz at Balutan ang kakasuhan sa huli kundi sila. Mabigat kasi kapag nakasuhan sa Ombudsman at iba pang ahensiya ng gobyerno dahil maantala ang promotion ng mga pulis. Get’s n’yo mga kosa? Dapat siguro magtayo ng sariling strike force ang PCSO para sila na lang ang mang-raid ng mga pasugalan at maiwas ang PNP sa mga kaso na wala naman silang mapapala. Abangan!

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with