^

Punto Mo

Dapat may bidding sa e-trike at e-jeepney

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat na hayaan na lamang ang usapin ng pagbabago sa uri ng transportasyon sa ating bansa na naglalayong mabawasan daw ang polusyon lalo na sa Metro Manila.

Sa ngayon ay inilunsad  na ang e-trike na pamalit sa mga pumapasadang tricycle o kilala sa tawag na kuliglig.

Mas maganda raw at maayos ang serbisyo ng e-trike kumpara sa mga kuliglig.

Magiging magaan umano ang pagpapautang sa mga driver ng kuliglig na proyekto ng city government.

Bukod dito, isinusulong din ang e-jeepney na balak una-hing ipatupad din dito sa Metro Manila upang palitan ang mga lumang jeepney.

Maganda ang layuning ito na itaas ang kalidad ng transportasyon na pakikinabangan ng mamamayan.

Pero teka, dapat ay nasuring mabuti ang performance ng e-trike at e-jeepney kung ito ba ay kayang lampasan ang serbisyo ng mga dating tricycle o kuliglig at pampasaherong jeepney.

Baka naman minadali lang ito ng ilang opisyal ng gobyerno dahil sa posibleng pakinabang sa kontrata.

Dapat dumaan sa bidding ang e-trike at e-jeepney kung makatwiran ba ang presyo at tibay nito na magbi­bi­gay ng katiyakan sa kaligtasan at kaginhawahan ng publiko.

Sana, agad kumilos ang Malacañang ukol sa nasabing usapin at tiyakin na walang katiwalian dito sa gitna ng kampanya ni President Duterte laban sa katiwalian sa gobyerno.

 

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with