^

Punto Mo

Abogado sa Florida, nagliyab ang pantalon sa gitna ng hearing ukol sa kasong arson

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BIGLA na lang nagliyab ang pantalon ng isang abogado sa Florida habang siya ay nasa gitna ng isang hearing na nagkataon pang-ukol sa kasong arson.

Nasa gitna ng pagbibigay ng kanyang mga huling paha-yag ang abogadong si Stephen Gutierrez nang makaramdam siya nang matinding init mula sa bulsa ng kanyang pantalon.

Napag-alaman niyang nagmumula pala ito sa nagliliyab na baterya ng kanyang e-cigarette.

Agad siyang lumabas ng korte upang alisin ang baterya mula sa bulsa niyang nabutas na dahil sa matinding init.

Bumalik siya sa naantalang hearing kung saan ipinaliwanag niya ang nangyari at sinabing hindi “scripted” ang pagliyab ng kanyang pantalon.

Hindi niya raw ito sinadya upang paboran ng korte ang kanyang kliyenteng inaakusahan ng arson.

Sinadya man o hindi, siguradong hindi nakatulong ang nangyari dahil hinatulan ang kliyente ni Gutierrez ng guilty.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis at prosecutors ang e-cigarette ni Gutierrez at kung mapatunayang sinadya nga ng abogado ang pagliyab ng baterya nito ay maaari siyang patawan ng contempt ng judge na duminig sa kaso.

vuukle comment

FLORIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with