^

Punto Mo

Tig-$10,000 na burger, naibenta sa isang auction sa Dubai

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG malinamnam na burger ang naipagbenta sa halagang $10,000 o katumbas ng higit kalahating milyong piso.

Kaya naman tinanghal ang burger na naging tampok sa isang auction sa Dubai bilang pinakamahal sa buong mundo.

Ang 88-anyos na si Asma Al Fahim na may-ari ng isang lifestyle magazine ang bumili sa burger matapos siyang manalo sa bidding.

Pitong beef patties na kumakatawan sa pitong emirato ng United Arab Emirates ang pangunahing palaman ng dambuhalang burger.

Bukod sa mga ito ay nakapalaman din sa napakalambot na buns ang iba pang mga mamahaling sangkap katulad ng aged cheddar cheese at bacon na gawa mula sa karne ng guya.

Ang isa sa mga lumikha sa napakamahal na burger ay si Sheikh Mohammed bin Abdullah Al Thani na miyembro ng royal family ng Qatar.

Ipinagmamalaki ni Al Thani na nahigitan na nila ang $7,000 burger na kanilang naipagbenta dalawang taon na ang nakakaraan.

Isa lamang ang burger ni Al Thani sa mga pagkaing na-ging tampok ng auction. Sa kabuuan ay nakalikom ng halos $30,000 mula sa ginawang subastahan.

Ilalaan ang halagang nalikom para sa pagpapalawig ng breast cancer awareness at sa pagbibigay ng libreng medical check-up para sa publiko upang matuklasan kaagad ang nasabing sakit bago pa ito kumalat.

 

vuukle comment

BURGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with