^

Punto Mo

EDITORYAL - Face masks magiging mabenta sa Metro Manila

Pang-masa

WALANG ibang makikinabang sa banta ng air pollution sa Metro Manila at maging sa buong mundo kundi ang mga negosyante ng face mask. Magandang pagkakataon ito para sa kanila sapagkat nagbabala na ang World Health Organization (WHO) na kahaharapin ng mamamayan sa mundo ang bangis ng air pollution. Ayon sa WHO, 1.7 milyong kabataan sa mundo ang namamatay dahil sa air pollution.

Dito sa Metro Manila, kumpirmado ang mataas na level ng air pollution. Mataas ang pollution sa mga pangunahng kalsada gaya ng EDSA, Quezon Avenue, Taft Avenue, C5.

Ayon kay Dr. Jorge Sison, pinuno ng Cardiology ng Medical Center Manila, face masks na ang kaila-ngan ng mga taga-Metro Manila dahil sa malubhang air pollution. Para payuhan na mag-face masks ang mamamayan, masyado nang grabe ang kalagayan ng hangin at kailangang gumawa ng aksiyon ang pamahalaan ukol dito. Unang dapat kumilos ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sapagkat sila ang may kargo para mapa-ngalagaan ang kalikasan at kapaligiran. Sila ang may pangunahing responsibilidad dito kaya nararapat ang agaran at seryosong pagkilos.

Isa sa maaaring gawin ng DENR ay ang pagpapaigting sa anti-smoke belching campaign. Suportahan nila ang pag-phase out sa mga lumang sasakyan na sapagkat ang mga ito ang nagbubuga ng 80 porsiyento ng nakalalasong usok. Ipatupad ang nakasaad sa Clean Air Act of 1999 na bawal ang paggamit ng incinerators at pagsusunog na lumilikha ng usok. Ayon sa Department of Health (DOH) ang grabeng pollution ay nagdudulot ng pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Iligtas ang mamamayan at ang bayan sa mapaminsalang air pollution. Linisin ang hangin sa Metro Manila, now na.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with