^

Punto Mo

OSG, ba’t kumampi kay Napoles?

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG nakamamanghang balita ang sumambulat kaugnay nang hirit ng Office of the Solicitor General ( OSG) sa Court of Appeals na baliktarin ang naunang hatol sa binansagang “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles.

Si Napoles ay nahatulan ng korte sa kasong illegal detention kung kaya ito ay nakabilanggo ngayon sa Correctional Institution for Women.

Ayon sa OSG, mali raw ang desisyon ng korte nang hatulan nito si Napoles sa iligal na pagditine sa pinsan nito na si Benhur Luy. Si Luy ay tumatayong state witness sa plunder case laban kay Napoles at tatlong dating senador sa pork barrel fund scam.

Ikinatwiran ng OSG na hindi naman daw totoong nakadetine si Luy dahil malaya itong nakakalabas ng bahay ni Napoles.

Anuman ang argumento rito ng OSG na pabor kay Napoles ay isang nakamamanghang pagkilos ng abogado ng gobyerno.

Lumilitaw na ang direktang kinokontra ng OSG ay mga kapwa abogado ng gobyerno partikular ang prosecution na siyang nagsulong sa korte upang mahatulan at maipakulong si Napoles.

Dapat ay linawin ng OSG ang tunay nitong motibo sa pagtatanggol kay Napoles na isang akusado.

Dahil dito, inaasahan natin na mapipintasan at maaring madamay pa rito si Pres. Rodrigo Duterte.

Maaring malagay din sa balag ng alanganin ang mga kasong isinusulong ng gobyerno laban kay Napoles na umano’y itinuturong utak sa maanomalyang paggamit ng pork barrel fund ng mga mambabatas sa pamamagitan ng mga binuo nitong pekeng non-government organizations.

Mas makakabuting magpaliwanag sa publiko si Solgen Jose Calida kung bakit ang isang akusado ay ipinagtatanggol nito samantalang ang umusig at nagpakulong kay Napoles ay mga abogado ng gobyerno.

vuukle comment

OSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with