^

Punto Mo

Parusang bitay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mainit ang baliktaktakan sa isyung ibabalik ba ang parusang kamatayan.

Kung noon inaasahan na lulusot ang naturang panukala sa Kamara, ngayon mukhang nagbabago ang ihip ng hangin.

Yung dating mga mambabatas na noon ay kumbinsido, medyo kumambyo ang ilan, ang iba naman nais na may alisin o baguhin sa panukala.

Sa panukalang batas na pagbabalik ng bitay sa pamamagitan ng lethal injection  o firing squad o bigti, tinukoy dito ang 21 major offenses.

Kabilang sa mga krimeng ito ang murder, rape, kidnapping, serious illegal detention, treason, dangerous drug offenses at plunder, at iba.

Ilan sa mga mambabatas ang nagpahiwatig na bagamat sang-ayon sila sa parusang kamatayan, pero dapat umanong maalis dito ang kasong  plunder. Sa krimeng ito madalas na masangkot ay mga politiko.

Puna tuloy ng netizen, takot daw ang mga mambabatas at mga politiko na  isama sa bitay ang plunder dahil dito nga baka daw sila ang masampolan sa batas na sila ang gumawa.

Pera lang daw naman ang sangkot dito na maituturing na hindi angkop kung buhay agad ang magiging kabayaran.

Pero kung ito ang magiging dahilan para hindi dapat masama ang plunder sa mga karumaldumal na krimen, hindi nga ba’t kadalasang pinag-uugatan din ng ilang matitinding krimen ay pagkagahaman o may kinalaman din sa salapi.

Ang pagbabalik ng parusang bitay ay nangangailangan ng matinding pag-aaral.

Buhay na hindi na maibabalik ang nakasalalay dito, sakaling magkaroon ng pagkakamali.

Kumpara sa kung habambuhay na pagkabilanggo, magtagal man sa piitan ang isang nasen­tensiyahan, para na rin siyang patay sa loob ng kulungan. May pagkakataon na dito pa nga nabibigyan siya ng pagkakataon na lubusang mapagsisihan ang kanyang nagawa. 

Dito rin niya nabibigyan ang kanyang sarili para makapagbagong buhay tumagal man o sa piitan man siya bawian ng buhay.

Ang maayos na judicial system ay dapat ding mapagtuunan ng pansin dito, dahil ang mabilis na pagbibigay hustisya ay malaking bagay sa kaanak ng mga naging biktima ng ganitong uri ng krimen.

Kung sakali namang mapagtitibay man, marahil ay dapat na mapag-aralang mabuti ang mga krimeng mapapaloob dito, na walang kikilingan maging sinuman ang maapektuhan.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with