^

Punto Mo

Ang Mangingisda sa Ilalim ng Puno

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG isang mangingisda  ay nagpapahinga sa ilalim ng puno pagkatapos niyang mangisda at magbenta ng kanyang mga huli. Napadaan doon ang kanyang Kuya na yumaman sa pagnenegosyo. Nainis ito sa nadatnang eksena. Nilapitan niya ang bunsong kapatid at sinita.

“Bakit wala kang ginagawa? Sinasayang mo ang iyong oras.”

“Kuya, nakatapos na ako sa pangingisda at naibenta ko na rin ang mga isdang nahuli ko.”

“Bakit hindi ka bumalik sa dagat at muling mangisda para madagdagan ang iyong kinikita?”

“Kung marami na akong kinikita, ano naman ang gagawin ko sa maraming pera?”

“Ibili mo ng maraming bangka para makakuha ka ng mga tauhan na mangingisda para sa iyo.”

“Pagkatapos?”

“Magiging mayaman ka at wala kang gagawin kundi mag-enjoy sa buhay at magpahinga  na lang sa ilalim ng puno.”

“Di ba, ‘yun na nga ang ginagawa ko ngayon? Bakit kailangan ko pang hintayin na yumaman ako?”

* * *

Hindi na kailangang hintayin pang yumaman  o ma-ging makapangyarihan para ma-enjoy ang buhay.  Ayon sa mga dakilang tao na may mataas na pagpapahalaga sa buhay: Ang pagkakuntento sa buhay ay hindi lang nakabatay sa dami ng ari-arian kundi nasa kasimplehan ng pangangailangan. 

 

vuukle comment

MANGINGISDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with