^

Punto Mo

2 babae sa Texas, nailigtas ng 85-anyos na lolo mula sa nasusunog na kotse

THE EAR - Arnel Medina - Pang-masa

PINATUNAYAN ng isang lolo sa Texas na hindi balakid ang katandaan para magpamalas ng kabayanihan matapos niyang mailigtas ang dalawang babae mula sa tumaob at nagliliyab nilang sasakyan.

Pinaniniwalaang tumaob ang sasakyan dahil masyadong naging mabilis ang takbo nito kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nang mapadaan sila sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Nasaksihan ng 85-anyos na si Lindell Marbut ang aksidente na nangyari sa mismong bakuran ng kanyang tahanan sa Burleson, Texas.

Kahit kailangan ng tungkod sa paglalakad ay hindi nag dalawang isip si Marbut na puntahan ang nagliliyab na sasakyan upang mailigtas ang driver at ang isa pang pasaherong sakay nito.

Mag-isang hinigit ni Marbut ang driver palabas ng tumaob na kotse samantalang tinulungan naman siya ng kanyang caretaker sa pagligtas sa pasahero.

Maari raw na naging mas malala pa ang aksidente kung hindi dahil sa naging mabilis na pag-aksyon ni Marbut, ayon sa isa sa mga rumespondeng bumbero.

vuukle comment

TEXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with