^

Punto Mo

Panawagan ni Albayalde sa mga pusher at adik: Magsitigil na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAMAOS na ang mga kritiko ng extra judicial killings (EJK) sa war vs droga ni Pres. Digong subalit wala pang makikitang senyales na hihinto na ito. Sa katunayan, puro patayan pa ang mangyayari sa taon na ito. Kasi nga, inanunsiyo na ng Palasyo na may 4 milyon pang Pinoy na sangkot sa droga at ilalambada sila sa 2017. Kung umabot sa mahigit 6,000 Pinoy ang nalagas sa kampanya laban sa droga noong nakaraang huling anim na buwan, ibig sabihin n’yan me posibilidad na halos doble pa ang mamamatay na pusher at adik sa 2017, di ba mga kosa? Kung nag-iingay man ang kritiko at karamihan ay nagdarasal pa na ihinto na ang war vs droga, itong pinag-ibayong kampanya laban sa droga ay hindi senyales na hihinto na ang gobyerno ni Digong. Kaya’t tama lang ang panawagan ni Digong na ang mga adik na ayaw madamay sa kampanya laban sa droga ay ‘wag na lang lumabas ng bahay para hindi sila maging collateral damage. Kasi nga, kung sa dis-oras ng gabi at nasa kalsada ka pa, ibig sabihin n’yan hindi ka user lang kundi nagbebenta ng droga sa kalye, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Kung ayaw n’yong maging collateral damage sa kampanya ni Digong laban sa droga, ang panawagan sa inyo mga kosa ay magsitigil na kayo sa pagtutulak at paggamit ng shabu! Mismo!

Kung itong 4 milyon na pushers ay hahatiin sa mga Police Regional Offices ng PNP, halos 450,000 nito ang mapupunta sa Metro Manila na maging target ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde. Matapos ang matagumpay na seguridad sa Black Nazarene procession, aatupagin na ng NCRPO ang iniatang sa kanila na trabaho ni Digong. Sa ngayon, iniutos ni Albayalde sa kanyang limang police districts at 48 police stations na magsumite ng target personalities sa droga na iba-validate naman ni Sr. Supt. Eleazar Matta, ang intelligence chief ng NCRPO. Kapag nabuo na ni Matta ang listahan, sa tulong ng mga barangay officials, lalarga na ang NCRPO at tiyak tatamaan ang dapat tamaan, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun! Hehehe! Nakakatakot no, mga kosa? Kaya ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa kong pusher at adik dyan, MAGSITIGIL na kayo! Ayon kay Albayalde, doble kayod sila sa kampanya laban sa droga sa taon na ito. Subalit iginigiit niya na mahigpit na rerespetuhin ng kanyang mga tauhan ang human rights at rule of law para tatahimik na ang mga kritiko sa kampanya laban sa droga. Subalit iginigiit ni Albayalde, na karapatan naman ng kanyang mga tauhan na idepensa ang sarili nila kapag nalagay sila sa alanganin. Tumpak!

Mula Hulyo 1 hanggang Dec. 31, aabot sa 1.5 milyong pusher at adik ang na-neutralize ng PNP sa buong bansa. Sinabi ng Palasyo, na malaking tagumpay na ito sa kampanya laban sa droga kaya’t aatupagin na nila ang 4 na milyon pa. Hehehe! Ito ang nakita ng Supalpal na senyales na magpapatuloy pa itong patayan, di ba mga kosa kong kritiko ni Digong? Mismo!

Sa loob naman ng anim na buwan, aabot sa 925 pushers at users ang namatay sa Oplan Double Barrel na isinagawa ng NCRPO samantalang aabot naman sa 14,636 ang pinasuko. Ang binisita ng NCRPO na bahay sa ilalim ng Oplan Tokhang ay umabot sa 569,375 kung saan humantong sa pagsurender ng 203,426 pushers at users. Nakumpiska naman ang 1,200 assorted firearms, at 60,492 gramo ng shabu, 99 kilos ng crystalline granules, 298 kilos of methamphetamine hydrochloride at iba pang sangkap sa paggawa ng shabu na may kabuuang halagang P1.7 bilyon, at 532,185 grams ng marijuana. Hehehe! Tiyak No. 1 ang NCRPO sa accomplishment sa war vs droga, di ba mga kosa?

Ang panawagan naman si Albayalde sa mga magulang, hikayatin na nila ngayon pa lang ang kanilang mga anak na pusher at user na huminto na dahil mahaba na ang anim na buwan na ibinigay sa kanila para magbago. ‘Wag n’yo nang hintaying nakahandusay ang mga anak n’yo sa gitna ng kalsada at maglupasay kayo sa kaiiyak at humingi ng hustisya dahil hindi na nito maibalik ang buhay nila. Hala mga magulang, kilos na! Abangan!

vuukle comment

EJK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with