^

Punto Mo

Baguhin na ang tradisyon

- Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang baguhin ng mga Pilipino ang nakagis-    nang tradisyon sa pagsalubong sa bagong taon.

Ito ay ang pag-iingay sa pagsalubong sa bagong taon sa pa-    mamagitan ng paggamit nang malalakas na paputok.

Bagamat nabawasan na ang mga Pilipino na gumagamit ng paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito.

Habang nagbabago ang panahon, makabubuting baguhin din ang tradisyon lalo na ang mga nagdudulot ng panganib sa buhay ng tao.

Walang kadala dala ang ilan natin kababayan hangga’t hindi nabibiktima ng paputok.

Mas makakabuting ang puntiryahin din ng gobyerno ay bantayan na ang mga nagmamanupaktura ng paputok.

Samantala, dapat ay papanagutin din ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nalulusutan ng mga puslit na paputok.

Sinasabing ang mga nagkalat na iligal na paputok ay mga puslit o mula sa smuggling na nakalusot sa BOC.

Talamak din kasi ang katiwalian sa BOC kaya nakakalusot ang mga iligal na paputok na nagbibigay ng panganib sa mga Pilipino.

Sana sa muling pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon ay simulan na rin ang bagong tradisyon ng mga Pilipino.

Maligaya at masagang bagong taon sa ating lahat.

vuukle comment

PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with