^

Punto Mo

Drones, ginagamit na sa pagpupuslit ng kontrabando sa bilangguan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIGH-TECH na ngayon pati pagpupuslit ng kontrabando matapos madiskubre ng mga guwardiya sa isang kulungan sa Denmark na ginagamit na ang drones para makapaghatid ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga preso.

Kamakailan lang, natuklasan ng mga namamahala sa Nyborg Prison na gumagamit ang mga kawatan ng drone sa pagpupuslit papasok ng kulungan ng mga kontrabandong maaring gamitin sa pagtakas.

Kabilang sa mga gamit na dala ng drone ang dalawang cell phones, isang lagari, at ilang turnilyo na idinaan sa mga bintana ng selda.

Nalaman naman kaagad ng mga guwardiya ang ginawang pagpupuslit at mabilis nilang kinumpiska ang mga nasabing kagamitan.

Hindi na nila nahuli ang drone na mabilis na nawala matapos maihatid ang mga gamit sa mga preso.

Nangangamba naman ang Danish Prison Union na simula pa lang ito sa malawakang paggamit ng drones para sa mga iligal na gawain at maaring naging masuwerte lang sila ngayon na nasabat nila ang mga kontrabando.

vuukle comment

DRONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with