^

Punto Mo

Naimbentong robot na isda sa Japan, puwede nang pamalit sa mga alagang goldfish

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAHIRAP mag-alaga ng mga isda sa bahay dahil maiikli ang mga buhay at mabilis mamatay ang mga ito kapag hindi naalagaang mabuti.

Kaya naman tamang-tama ang mga bagong imbentong robot mula sa Japan para sa mga mahilig mag-alaga ng isda dahil hindi na nila kailangang mangamba na baka mamatay ang kanilang alaga.

Ang mga maliliit na robot ay nagmula sa kompanyang Artificial Intelligence Robot (AIRO) at unang beses nila itong ipinakita sa publiko sa kadaraos lang na Tokyo Design Week.

Dinisenyo ng mga siyentista mula AIRO na magmukhang totoong goldfish ang mga robot at makuha ng mga ito ang mga galaw ng nasabing isda.

May baterya ang mga robot na isda na kayang lumangoy ng 10 oras kada full charge.

Tagumpay naman ang imbensiyon ng AIRO dahil marami sa mga nakakita sa robot na isda ang bilib sa itsura at galaw nito na wala raw pinagkaiba sa totoong goldfish.

Sa katunayan nga raw ay hindi pa nila malalaman na robot talaga ang mga isda kung hindi nila napansin ang mga mata ng mga ito na gawa sa maliliit na LED lights.

vuukle comment

GOLDFISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with