^

Punto Mo

Marami na namang vendors at nakaparadang sasakyan sa Rizal Ave.

PULSO NG MASA - Pang-masa

Noong isang buwan lamang sinabi ni Mayor Joseph Estrada na magiging maluwag na ang kahabaan ng Rizal Avenue dahil bawal na ang vendors at lahat nang nakaparadang sasakyan ay hahatakin.

Marami ang natuwa sapagkat talaga namang grabe ang trapik sa Avenida dahil sa vendors at illegal parking. Sabi ni Mayor Estrada, kaya may mga vendors at sasakyang nakahambalang ay dahil may mga taong naniningil para sa parking. Ipinahuli niya ang mga taong naniningil sa parking.

Pero isang buwan lang makalipas ang kanyang direktiba, balik na naman sa dati ang Avenida. Naghambalang ang mga sasakyan at maraming vendors. Pati sa Raon St. at sa Carriedo ay sala-salabat ang vendors. Wala na namang madaanan ang tao. Paano na ngayong papalapit ang Pasko?

Sana panindigan ni Erap ang kanyang pangako.--MAR SOLOS, Blumentritt St. Sampaloc, Manila

vuukle comment

MAYOR JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with