^

Punto Mo

EDITORYAL - Tuloy-tuloy na kaya ang pangingisda?

Pang-masa
EDITORYAL - Tuloy-tuloy na kaya ang pangingisda?

NAKAKAPANGISDA na sa Panatag Shoal (Scarborough) ang mga Pilipinong mangingisda. Nagkatotoo ang sinabi ni President Rodrigo Duterte na makakabalik ang mga Pilipinong mangingisda sa Panatag. Noong nakaraang linggo, walong grupo ng mga mangingisdang Pinoy ang nagtungo sa Panatag at nagulat sila sapagkat hindi sila hinarang ng China Coast Guard. Hinayaan silang makapangisda at maski nang makaalis sila ay walang humabol sa kanila. Dati, papalapit pa lamang sila sa Panatag ay hinaharang at itinataboy na sila. May isang pangyayari na binangga pa ang kanilang bangka ng China Coast Guard at binomba sila ng tubig kaya mabilis silang umalis sa lugar.

Sinabi ni Duterte nang dumalaw sa mga biktima ng bagyong Lawin sa Cagayan at Isabela, na huwag daw mainip ang mga mangingisda at makababalik na sila sa Panatag. Sinabi iyon ni Duterte, ilang araw makaraang dumalaw sa China at nakipag-usap sa mga matataas na lider doon. Mainit na tinanggap si Duterte ng Chinese leaders sa loob ng apat na araw na pagbisita at nakapag-uwi ng bilyong pisong investment packages. Nag-donate pa ang Chinese government nang malaking pera sa mga sinalanta ng bagyong “Lawin” sa Northern Luzon.

Magandang pangitain na nakakapangisda na uli ang mga Pinoy sa sariling pangisdaan at hindi na nakakaranas ng pambu-bully. Pero hanggang saan ito? Baka hanggang ngayon lang na kadadalaw lamang ni Duterte sa China. Paano pag tumagal na? Wala namang kasunduan na namagitan ukol sa gagawing pangingisda sa Panatag.

Hindi kaya dumating ang araw na itaboy at bombahin uli ng tubig ang mga mangingisdang Pinoy? Sana naman, hindi na iyon maulit. Kapag nangyari iyon, dito masusubok ang Presidente. Sana naman, pangmatagalan na ang nangyayaring ito para naman patuloy ang paghahanapbuhay ng mga mangingisdang Pinoy.

vuukle comment

SCARBOROUGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with