^

Punto Mo

EDITORYAL - Task force para imbestigahan ang pagpatay sa mga journalist

Pang-masa
EDITORYAL - Task force para imbestigahan ang pagpatay sa mga journalist

NILAGDAAN ni President Rody Duterte noong Martes ang Administrative Order (AO) na mag-iimbestiga sa mga pinatay na mamamahayag. Sa AO, inatasan niya ang task force para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag. Paiimbestigahan niya ang mga pinatay na mamamahayag at handa rin ang task force na tumanggap ng mga sumbong, reklamo o banta sa buhay ng mga ito.

Maihahalintulad sa binabaril na manok ang mga mamamahayag sa Pilipinas at walang magawa ang pamahalaan upang sila ay maprotektahan. Mula 1986 na nakalaya sa diktadurya ang mga Pilipino, nasa 175 na mamamahayag na ang pinapatay. At karamihan sa mga kaso ng pagpatay ay hindi pa nalulutas.

Noong nakaraang taon, sa termino ni President Noynoy Aquino, 38 mamamahayag ang itinumba. Sunud-sunod ang mga pagpatay. Halos buwan-buwan ay may itinutumbang mamamahayag. Noong Ene­ro 2015, pinatay ang mamamahayag na si Nerlita Ledesma. Noong Pebrero, pinatay si Maurito Lim. Noong Abril, pinagbabaril si Mei Magsino. Noong Agosto pinatay sina Cosme Maestrado, Teodoro Escanilla at Gregorio Ybañez at noong  Nobyembre, pinatay si Jose Bernardo, broadcaster ng DWBL at correspondent ng DWIZ. Ngayong 2016, pinatay ang broadcaster na si Elvis Ordaniza, 49,  ng Pitogo,  Zamboanga del Sur.  Si Ordaniza ay volunteer reporter ng radio station dxWO Power99 FM. Siya ang ika-38 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng P-Noy administration.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao. Tatlumpong mamamahayag at 28 sibilyan ang minasaker kaugnay sa election.

Ang paglikha ni Duterte sa task force na mag-iimbestiga sa mga pinatay na mamamahayag ay magandang hakbang. Sana, magkaroon ng bunga ang imbestigasyon at matutukan ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamahayag.

vuukle comment

TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with