^

Punto Mo

EDITORYAL - Binigyang- katwiran ang media killings

Pang-masa

MARIIN ang pahayag ni president-elect Rodrigo Duterte sa isang press conference noong isang araw. Sabi niya, kaya maraming mediamen ang na­papatay ay dahil bias na kahit nabigyan na ay bumabanat pa rin. Ginawang halimbawa at binigyang katwiran ni Duterte ang pagpatay sa mamamahayag na si Jun Pala noong Set. 6, 2003 sa Davao City. Pinagbabaril si Pala ng riding in tandem. Si Pala ay kritiko      ni Duterte. Sabi niya, “ I don’t want to demean his me-mory but he was a rotten son of bitch, He deserved it..”

Sa lahat nang sector ng lipunan ay mayroong nangyayaring corruption. Alam ng mamamayan ang kalakarang ito. Talamak ang nangyayaring corruption at ang sector ng media ay kabilang dito. May mga “corrupt” na mamamahayag na nagpapabayad para baliktarin ang tama o kampihan ang nagbayad at mayroon ding bumabanat kahit pa nga binayaran na.

Pero hindi naman makatwiran na dahil sa pagbanat ay kamatayan na ang hatol gaya nang nangyari kay Pala. Ang lahat ng mga nagawang pagkakamali ay may katapat na kaparusahan. At sigurado kami na alam ito ni Duterte sapagkat dati siyang prosecutor bago pumasok sa pulitika. Alam niya kung ano ang nakasaad sa batas.

Maraming mamamahayag na ang napapatay. Ngayong 2016, dalawa na ang napapatay at ang pinaka-latest ay si Alex Balcoba, reporter-columnist ng People’s Brigada na binaril sa harap ng kanyang shop sa Quiapo noong nakaraang linggo. Wala pang naaresto ang pulisya sa pagpatay kay Balcoba.

Sa aming palagay, may epekto ang pahayag ni Duterte ukol sa pagpatay sa mga mamamahayag. Parang binibigyan niya ng lisensiya ang sinuman na itumba ang mamamahayag kahit pa ito ay parehas. Ito ang aming nakikita sa himig ng kanyang pana-nalita. Sana nagkakamali kami.

vuukle comment

WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with