^

Punto Mo

Carabao Man (16)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO JP, magpasya ka na. Samantalahin mo na ang pagkakataong ito. Bihirang dumating sa buhay ng tao ang ganito,” sabi ni Dang at hinawakan ang matitigas na braso ni Johnpaul o JP.

“Oo nga Carabao Man. Ikaw na ang nilalapitan ng suwerte kaya dapat dakmain mo na,” sabi ni Tasya.

“Hindi ko alam ang gagawin  ko. Puwede bang bigyan n’yo ako ng panahon?’’

“Kailangang maisama ka na namin sa Manila ngayon para bukas ng umaga, dadalhin ka na namin kay Bossing. Naipa­ngako namin na by Monday, ihaharap na namin sa kanya si Carabao Man – at ikaw nga yun, JP.’’

“Sana ay hindi biglaan. Kasi’y….’’

“Kasi’y ano, JP?’’

“Wala akong maayos na damit. Puro luma ang damit ko. Pawang kupas na kupas na ang mga iyon. Kakahiya naman kung iyon ang isusuot ko.’’

“No problem, JP. May solusyon na kami ni Tasya. Di ba Tasya dear?”

“Oo. Wala ka nang problema, Carabao Man.’’

“Sige Tasya ipakita mo ang nasa compartment ng kotse.’’

“Halika, Carabao Man,’’ sabi ni Tasya at tinungo ang compartment. Binuksan. Mangha si JP. Nakita niya ang talaksan ng damit --- polo, tshirt, jeans at iba pa.

“Hayan! Para sa iyo lahat ang mga damit na ‘yan. Sukat na sukat sa’yo ‘yan. Pati brief meron diyan. O hindi ka nagbi-brief, Carabao Man?’’

“Siyempre nagbi-brief naman ako.’’

“Oo nga naman Tasya kung anu-ano ang sinasabi mo.’’

“Huuu nagsalita ang walang pagnanasa!’’

Inirapan ni Dang si Tasya. At saka muling kinumbinsi si JP.

“Sige na JP, pumayag ka na.’’

Kakamut-kamot sa ulo si JP.

“Ano JP?’’

“Sige na nga. Pero ipagpaalam n’yo ako kay Itay at Inay.’’

“Oo naman. Halika na sa inyo, JP. Kailangan din ka­sing makaalis tayo mamayang hapon para bukas dadalhin ka na namin kay Bossing.’’

“Sige tayo na sa bahay.’’

Si Dang ang nagpaliwanag kay Mamang Nado at Aling Encar tungkol sa alok kay JP. Ipakikilala sa Bossing ng movie company at pagkaraa’y ihahatid din pabalik.

Walang nagawa sina Mamang Nado at Aling Encar kundi pumayag.

Agad naghanda si JP sa pag-alis. Nang aalis na sila ay dumating is Maricel at natuwa ito sa kapalarang dumating kay JP.

“Hoy huwag mo akong kalilimutan kapag artistaka na ha?’’

Tumango lamang si JP.

Umalis na sila. Sa likod ng kotse naupo si JP.

“Matutuwa si Bossing. Makikita na niya si Carabao Man,” sabi ni Dang.

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with