^

Punto Mo

EDITORYAL - Ihabol ang FOI Bill!

Pang-masa

SABI noon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. maipapasa ang Freedom of Information (FOI) Bill sa termino ni President Noynoy Aquino. Naniniwala kami sa sinabi ni Belmonte at kaya namang ihabol kung talagang gagawin. Ito man lang sana ay maipasa para may maiwang magandang alaala si President Noynoy Aquino. Kahit na tinutulan niya ang pagdaragdag ng P2,000 para sa SSS pensioners, ito man lang FOI ay lagdaan na niya sapagkat halos lahat ng Pilipino ay makikinabang dito.

Kung tutuusin ay may proposed funding na ang FOI Bill. Inaprubahan na ito noong nakaraang taon kaya wala nang hadlang para ipasa at lagdaan ang panukala.

Noong 2010 na nangangampanya pa lamang siya, mariin niyang sinabi na susuportahan niya ang FOI sa sandaling maupo siya. Pero nakapagtatakang nabago ang ihip ng hangin at tila wala nang interes ang Presidente. Ano kaya ang dahilan at biglang nagbago ang kanyang pananaw ukol dito. Bakit nawala ang igting nang pagnanais na maipasa ang panukala. Ngayong anim na buwan na lamang siya sa puwesto, sana magbago ang kanyang pasya at lagdaan ang FOI Bill.

Mamamayan ang makikinabang sa sandaling maipasa ang FOI Bill. Unang-una na rito ang pagpigil sa sinumang opisyal ng pamahalaan na lulustay sa pondo ng mamamayan. Malinaw na nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Kung maipapasa ang FOI Bill, maaari nang magkaroon ng access ang mamamayan sa lahat ng programang ginagawa ng public officials. Malalaman na ng mamamayan kung paano ginagastos ng kanilang official ang pondo ng bayan.

Malaki ang magagawa ng House of Representatives para hikayatin si P-Noy na maipasa ang batas. Ihabol ito sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Enero 19. May panahon pa para sa panukala.

vuukle comment

ANG

ANO

BAKIT

BELMONTE

BILANG

ENERO

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with