^

Punto Mo

Train station sa Japan, patuloy ang operasyon kahit isa lang ang pasahero

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TATLONG  taon na ang nakakaraan ay napansin ng gobyerno sa Japan na hindi na ginagamit ang Kami-Shirataki train station sa Hokkaido kaya napagpasyahan nilang ipasara na lang ito upang makatipid sa gastusin ng pamahalaan.

Ngunit ayon sa isang kuwentong umikot sa social media kamakailan, hindi natuloy ang pagpapasara ng Kami-Shirataki Station nang malaman ng gobyerno na may nag-iisang babaing high school student na sumasakay at bumababa sa  nasabing station.

Kaya naman minabuti ng gobyerno na huwag na munang isara ang train station  at sa halip ay panatiliin itong bukas hanggang Marso ng 2016 kung kailan inaasahang magtatapos ang estudyante sa high school. Simula noon ay dalawa na lang ang tren na dumadaan sa station at ang pagdating ng mga ito ay nakaayon na sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng estudyante mula sa school.

Mabilis na naging viral ang kuwento na tinatayang nai-“share” na ng 5,700 beses sa Facebook at na-“like” na ng higit sa 22,000 na katao.  Marami ang namangha sa kuwento na para sa marami ay nagpapakita ng halagang ibinibigay ng gobyerno ng Japan sa edukasyon ng kanilang mga kabataan. May isa pa ngang nagsabi na hindi siya magdadalawang isip mamatay para sa kanyang bansa kung katulad ng estudyante sa kuwento ay dadayuhin pa siya ng malayo ang pamahalaan para lang masiguradong makakapasok siya ng paaralan.

Higit sa lahat, kuma­lat ang kuwento dahil ipinakikita nito ang halimbawa ng mabu-ting pamamahala kung saan ang bawat mamamayan ay pinahahala­gahan ng gobyerno.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FACEBOOK

HIGIT

HOKKAIDO

KAMI-SHIRATAKI

KAMI-SHIRATAKI STATION

KAYA

MABILIS

MARAMI

MARSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with