^

Punto Mo

‘Miracle dog’ sa Florida nahulog mula sa 11th floor ng condo, nakaligtas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa Florida, USA ang tinaguriang ‘‘miracle dog’’ nang makaligtas mula sa pagkakahulog sa ika-11 palapag ng isang high-rise condominium.

Nangyari ang lahat nang bisitahin ni Kimberly Bellinger ang kanyang ina sa condominium unit nito sa West Palm Beach, Florida. Kasama niya sa pagdalaw ang 12-anyos na alagang Peking Lion Dog na si Bonzo. Walong taon na niyang alaga ang Lion Dog matapos niyang kupkupin mula sa lansangan ng New York City.

May kapansanan si Bonzo kaya hirap na ito sa pagla-lakad. Dahil alam niyang hindi malikot ang kanyang alaga dahil sa kapansanan nito ay hindi nagdalawang isip si Kimberly na sandaling iwanan mag-isa si Bonzo.

Kaya naman laking gulat niya nang marinig niyang sumigaw ang kanyang ina na nahulog ang kanyang aso mula sa balkonahe ng condominium unit. Pagdungaw ni Kimberly ay nakita na lamang niya ang katawan ng kanyang aso na nakahandusay sa damuhan sa paanan ng gusali.

Nakatawag naman kaagad ang manager ng  building ng isang emergency veterinarian nang makita niyang mahulog ang aso. Agad itinakbo si Bonzo sa Palm Beach Veterinary Specialists kung saan sinuri ang aso para sa mga pinsalang maaring natamo nito. Matagal din na nasa ospital si Bonzo na naka-oxygen at pinaiinom ng pampatulog habang siya ay sinusuri.

Kaya naman laking pasasalamat ni Kimberly nang ma-laman niyang nabaling tadyang lang ang natamo ng kanyang alaga mula sa 120 talampakang pagkakahulog nito. Ayon sa mga beterinaryo, maaring nakabuti ang mataas na pagkakahulog ni Bonzo dahil kahit papaano ay nagkaroon ng oras ang hayop upang maihanda ang katawan nito sa pagbagsak sa lupa.

Masasabing isang himala ang pagkakaligtas ni Bonzo dahil ilang araw pa lang matapos ang kanyang aksidente ay nakakain at nakakapaglaro laro na uli siya.

vuukle comment

ANG

BONZO

KANYANG

KAYA

KIMBERLY

KIMBERLY BELLINGER

LION DOG

NEW YORK CITY

PALM BEACH VETERINARY SPECIALISTS

PEKING LION DOG

WEST PALM BEACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with