^

Punto Mo

Duterte, h’wag ikober ng broadcast media

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TILA nasosobrahan na sa pagka-brusko si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayon ay pormal ng idideklarang standard bearer ng PDP Laban.

Kahapon ay pormal ang paglulunsad ng kandidatura ni Duterte na dinagsa ng media.

Pero ako, bilang broad­cas­ter at mayroong radio program ay hindi nararapat na ikober ng live sa radyo at tele­bisyon ang mga talumpati ni Duterte.

Masyadong maanghang at may kasamang pagmumura o pagtutungayaw ang talumpati ni Duterte na hindi akma na mapakinggan sa radyo at mapanood sa telebisyon.

Madalas nating pangaralan ang ating mga anak na masama ang magmura o pagtutungayaw dahil nakakasira rin ito sa pagkatao ng isang mamamayan.

Pero kung napapakinggan ng mga kabataan ang pagtutu-ngayaw ni Duterte ay hindi ito magandang halimbawa.

Iba sa radyo at telebisyon dahil kapag live ay hindi na ito mai-edit kumpara sa mga pahayagan na nasasala ang mga masasamang salita ni Duterte.

Kung hindi magbabago ng estilo si Duterte sa kanyang mga talumpati na may kahalong pagmumura o pagbanggit  ng mga masasamang salita ay hindi na dapat itong ikober ng broadcast media.

Hindi dapat palampasin ng mga TV at radio network ang pagmumura ni Duterte. Dapat i-ban na sa live coverage ang kanyang mga talumpati.

Sa panig ni Duterte ay may kaakibat itong responsibilidad lalo na sa pagsasalita sa publiko at dapat niyang isaalang alang ang kabataan lalo na ang mga menor de edad.

Hindi maipapakita ng isang tao ang kanyang katapangan sa pagmumura at pagbanggit ng mga salitang masasama na ipinapayo sa mga kabataang Pilipino.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAPAT

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HINDI

KAHAPON

LABAN

MADALAS

MGA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with