^

Punto Mo

Multo ng mag-asawa, at kanilang alagang aso, nakunan ng picture sa isang parke!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GULAT na gulat si Sue Radigan nang tingnan ang nakuha niyang picture isang gabi habang ipinapasyal ang kanyang aso sa isang parke. Multo ng mag-asawa at kanilang alagang Terrier ang nasa picture. At nangyari iyon habang siya lamang at kanyang asong si Mia, isang German Shepherd ang naroon.

Tuwing gabi ay nakaugalian na ni Sue, 49, na ipasyal ang alagang si Mia sa parke na malapit sa kanyang tahanan sa Wythall, Birmingham. Matagal na niyang ginagawa ang ganoon at wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa mga nakaraang pamamasyal.

Pero nang gabing iyon, may kakaibang naramdaman si Sue. Noon lamang iyon nangyari kung saan walang tigil sa katatahol si Mia. Parati itong nakatingin sa isang lugar at hindi mapakali. Walang tigil sa pag-ungol si Mia na parang may nakikita sa likuran. Pero nang tingnan naman ni Sue ang direksiyong tinitingnan ng alaga, wala naman siyang makita. Pawang dilim ang nakita niya. Kilala ni Sur ang alaga, hindi ito basta-basta tumatahol na walang nakikita. At pakiramdam ni Sue, may ibang nakikita si Mia.

Nang hindi pa rin tumigil si Mia sa pagtahol, minabuti ni Sue na kunan ng picture sa kanyang tablet ang bahaging tinatahulan ng alaga. Pagkatapos niyon ay umuwi na sila.

Nang tingnan niya ang mga kinuhang picture, ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sue nang makita ang image ng mag-asawang matanda at kanilang alagang Airdale Terrier. Ipinapasyal din ng mag-asawa ang kanilang aso.

Hindi makapaniwala si Sue sapagkat sila lamang ni Mia ang naroon sa parke ng gabing iyon.

Tatlong figures ang makikita sa larawan niyang nakuha. Mayroon ding dalawang liwanag doon na nahagip ng kamera. Nanindig ang balahibo ni Sue.

Para makasiguro, ipinakita niya ang mga kuhang larawan sa kaibigang si Gary, na mahusay sa camera. At maski ang kaibigan ay hindi makapaniwala sa nakita. Talagang dalawang matandang mag-asawa at kanilang aso ang kanyang nakita.

Sinubukan pa rin niyang alisin ang liwanag ng larawan sa pamamagitan ng computer pero ganun pa rin ang lumabas. Kagila-gilalas daw ang lahat. Nakakapanindig balahibo raw.

Kung sino ang mag-asawang na­ku­­nan ni Sue ay hindi pa alam hanggang sa kasalukuyan. Hindi naman nabatid kung patuloy pa rin si Sue sa nakaugaliang pagpasyal sa kanyang asong si Mia.

vuukle comment

ACIRC

AIRDALE TERRIER

ANG

GERMAN SHEPHERD

HINDI

IPINAPASYAL

MIA

NANG

PERO

SUE

SUE RADIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with