^

Punto Mo

Ina, inaresto ng mga pulis nang mahuling nagma-marijuana sa loob ng kotse kasama ang 2 anak na sanggol

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lamang dito sa Pi-lipinas, laganap ang paggamit ng marijuana kundi maging sa ibang bansa man.

Sa Oklahoma City, lantaran ang paninigarilyo ng marijuana at kahit sa loob ng kotse ay may gumagamit nito. Gaya ng isang ina, na gumamit ng marijuana sa loob ng kotse habang ang kanyang dalawang anak na sanggol ay naka-strapped sa likurang upuan. Dalawang babae ang kanyang ka-jamming sa loob ng kotse.

Nakilala ang ina na si Erica Martinez. Hindi naman sinabi ang pangalan ng dalawang kasama ni Martinez. Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng tawag dakong 6:00 ng gabi mula sa isang concerned neighbour kung saan isang puting Chrysler 300 ang naka-parked sa driveway at kahina-hinala ang ginagawa ng mga nasa loob. Sinabi ng tumawag kung saan ang eksaktong lokasyon. Malapit na malapit umano sa isang ele­mentary school.

Agad na nagresponde ang mga pulis sa lugar at huling-huli nila ang ginagawa ng mga nasa loob ng kotse. Tatlong tao ang nagma-marijuana at kabilang nga doon si Erica Martinez. Kaibigan ni Martinez ang kanyang ka-jamming.

Ang labis na nakagulat sa mga pulis ay nang ma­silip ang nasa hulihang upuan ng sasakyan. Nakita nila ang dalawang sanggol (isang babae at isang lalaki na humigit-kumulang ay isang taon ang gulang) at naka-strapped sa upuan.

Sabi ni Sergeant Ashley Peters, Oklahoma City Police Department, huling-huli umano nila ang tatlo sa aktong naninigarilyo ng marijuana at naamoy nila ang usok na ga-ling sa loob ng sasakyan.

At ayon pa sa police officer, nang mag-inspeksiyon sila sa loob, nakita nila ang sanggol na babae at lalaki sa likurang upuan at naka-strapped doon.

Sabi pa ni Peters, hindi siya sigurado kung mga anak ni Martinez ang dalawang sanggol na nasa kotse o inaalagaan (babysit) lamang niya ang mga ito.

Ganunman sabi pa ni Peters, ke anak niya o inaalagaan lamang, hindi niya dapat ginawa ang ganoon na habang nagma-marijuana ay kasama ang dalawang sanggol. Tiyak daw na nakalanghap ng usok ng marijuana ang dalawang sanggol na masama sa kalusugan. Kawawa naman daw ang dalawang sanggol na walang kamalay-malay sa ginagawa ni Martinez at mga kasama nito.

Itinakda ang $7,140 bail para kay Martinez.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DALAWANG

ERICA MARTINEZ

ISANG

LOOB

MARIJUANA

MARTINEZ

MGA

OKLAHOMA CITY POLICE DEPARTMENT

SA OKLAHOMA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with