^

Punto Mo

Masamang amoy mula sa refrigerator, naging dahilan ng pagkakaospital ng 11 tao!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ng mga empleado ng University of  Kentucky na sasalubungin sila sa pagpasok ng umagang iyon nang napakasangsang na amoy. Pagpasok pa lamang nila sa building ay sumalubong na ang matinding amoy. Suspetsa ng mga empleado, galing sa Dimock Animal Pathology ang amoy.

Dahil sa sobrang sangsang na amoy, 11 empleado ang dinala sa ospital.

Dumating ang mga bumbero at agad na inilikas ang mga tao sa building at isinailalim sa decontamination process.

Hanggang sa madiskubre na ang masangsang na amoy ay galing sa isang refrigerator. Sabi ng university officials, ang fridge ay galing sa ibang building at nalipat lamang sa Pathology Department isang araw bago ang evacuation.

Ayon sa mga biktima, nang buksan nila ang fridge, umalingasaw ang grabeng amoy at kasunod ay nairita ang kanilang balat, mata at nahilo sila at nagsuka. May nawalan ng malay dahil sa amoy.

Sabi ng university spokeswoman, ang amoy ay galing sa natirang kemikal na naiwan sa loob ng fridge. Sobrang tapang umano ang kemikal.

vuukle comment

AMOY

ANG

AYON

DAHIL

DIMOCK ANIMAL PATHOLOGY

DUMATING

HANGGANG

PAGPASOK

PATHOLOGY DEPARTMENT

SABI

SOBRANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with