^

Punto Mo

‘Ang Kulay ni Binay...’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAGAGANDANG PLATAPORMA para sa bansa at mga pangako sa mga Pilipino ang inihahanda ng mga kakandidato para sa susunod na eleksiyon.

Kanya-kanya silang gimik at pagsagot sa mga isyung bumabatikos sa kanila. Minsan pa nga sinisiraan pa ang kabilang panig para lang gumanda ang tingin sa kanila.

Sa kultura ng politika dalawang uri lang ang pulitiko isang nanalo at isang nadaya. Ang isa ay nailuklok at ang isang naghahabol sa pamamagitan ng pagpoprotesta.

Kamakailan pumutak na agad si Vice President Jejomar Binay na kung sakaling matalo siya sa Halalan 2016 magsasagawa siya ng sariling hakbang.

“Magra-rally ako. Walang ka ipokrituhan. Last card ko na ito. Mag-aalsa ako. Batang rally tayo. Magle-lead ako ng People Power,” sabi ni Binay.

Kapag natalo daw siya dahil sa pandaraya asahan na daw natin siya sa kalye. Hiling pa niya sana daw ay maalala ito bilang mensahe sa mga nagbabalak na mandaya sa darating na eleksiyon.

Dayaan daw ang pinakakinatatakutan niya. Nangangamba din daw siya na ang pondo ng administrasyon ay magamit sa pangangampanya ng kanilang kandidato.

Ayon din kay Binay maging strikto din daw sana ang COMELEC sa labis na paggastos sa kampanya. Siya daw ang ‘chief mobilizer’ ng demonstrasyon nung panahon ni dating Pa-ngulong Cory Aquino.

“I know how to call for rallies. I remember President Cory, kapag may rally noon pagkatapos ng snap election, laging may special order. Tawagan ninyo si Jojo. Yan ang nakakaitindi sa rallies,” dagdag ni Binay.     

Malinaw na si Mar Roxas ang pinatutungkulan ni Binay sa kanyang mga sinabi. Kung tutuusin wala namang dapat sisihin sa pagbagsak ng kanyang rating kundi siya na rin.

Ayaw mong humarap sa Senado para sagutin ang lahat ng isyung ibinabato sa ‘yo. Ang mga tao naghihintay yan ng paliwanag. Sa hindi mo pagdalo sa mga patawag mas pumapangit ang tingin ng karamihan sa inyong pamilya.

Nang dahil nga dito ay naglabas ng ‘warrant of arrest’ laban sa anak mong si Jun-jun Binay. Ngayong nabanggit mo sa isang panayam na alam mo kung paano magtawag ng rally hindi kaya ikaw din ang nag-utos sa mga taong nakipag-away sa mga pulis nung pababain sa kanyang pwesto si Jun-jun?

Nakakatuwa naman na ang mga Senador nating masisigasig na nag-iimbestiga sa mga umanong anomalya sa Makati.

Sina Antonio Trillanes at Peter Cayetano na dalawa sa tatlong ginigisa at ipinakikita sa publiko ang mga bulok na kontrata sa paggawa ng gusali hanggang sa pagbigay ng ‘birthday cakes’ para sa mga senior citizen’s sa Makati.

Bandang huli ay magdedeklara din pala silang tatakbo bilang bise Presidente sa eleksyon sa 2016.

Ang tanong dito, ‘ginamit lang ba nila ang kanilang posisyon bilang  mga miyembro ng makapangyarihang ‘Blue Ribbon Committee’ sa Senado?

Ang laking milyahe sa publicity na nakuha nila sa walang tigil na hearing kung saan nagkaroon pa ng ‘full media coverage’ tungkol sa umano’y kinulimbat na pera at ari-arian ni Vice President Binay at ng kanyang pamilya?

Matatawag pa rin ba itong ‘… In aid of legislation’ o ang ginawa nila sa loob ng kagalang-galang na Senado ay ang trabaho na ng mga ‘Special Prosecutor’s’ ng Ombudsman na magsagawa ng Preliminary Investigation at kapag nakitaan ng ‘probable cause’ isampa sa Sandigan Bayan?

Matapos ang lahat ng pagdinig sa Senado may inakda bang batas ang mga senador na nanggaling sa kanilang halos araw-araw at maghapon na pagdinig?

Wala… Walang himala. Ang meron ay ang mga totoong kulay ng isa’t-isa at ang kanilang di mapigil na ambisyon na mas mataas na pwesto sa gobierno.

Kawawang muli ang taong bayan. Naloko na naman ba tayong muli?

Sina Trillanes at Cayetano na parang si Batman at Robin na walang tigil na bumabatikos sa kanila ay sa dulo dulo nito ay nakataas ang mga kamay na para bang nagsasabing ‘Ma’am may I go out to run for Vice President?’.

Nalihis tayo ng landas pero sa pagbalik ng punto ng pitak na ito VP Binay hindi pa nag-uumpisa ang eleksiyon pumuputak ka na na dadayain ka. Lagi mong tatandaan na ang pikon ay laging talo. Kaya payo ko sa ‘yo ngayon pa lang huwag mo munang ipakita ang tunay na kulay mo.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BLUE RIBBON COMMITTEE

CORY AQUINO

DAW

MAKATI

MGA

NBSP

PARA

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with