^

Punto Mo

‘Presyong Five Star Hotel’

- Tony Calvento - Pang-masa

DATING gawi na wala namang sumisita sa ‘yo, malas mo lang na ika’y natiyempuhan at nalimas pati kansursilyo mo.

“Sa halip na mapunta ang sahod ko sa pamilya ko sa ibang kamay ang kinabagsakan. Nagpapalipas lang naman ako ng oras,” ayon kay Jay.

Taong 2005 nang magsimulang magmaneho ng Forward truck si Jay Arcangel. Dala ang trak na may lamang cocoa bigla na lang daw may limang kalalakihan ang lumapit sa kanya nitong Setyembre 21, 2015 sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Kwento niya nanggaling pa raw siya ng Valenzuela. May truck ban mula alas singko ng umaga hanggang alas diyes ng umaga.

“Huminto ako saglit sa Mindanao Ave. Halos araw-araw dun ako ng papalipas ng oras. Alas nuebe nandun na kasi ako,” ayon kay Jay.

Bigla na lang daw siyang sinampahan ng isa sa limang kalalakihang puro tatoo ang katawan. Idiniin ni Jay na wala namang nakalagay na ‘no parking’ sa lugar.

Ni-wrecker ang dala niyang trak kahit hindi naman ito sira. Ang ilang karga niya ay nahulog sa kalsada dahil hindi pa nasasarado ang pinto ng paandarin.

“Pinresyuhan na ako. Siyam na libong piso daw ang kailangan kong bayaran. Wala pa namang 300 metro ang layo ang itinakbo namin,” sabi ni Jay.

Nagtawaran sila at nakiusap si Jay na kung maaari ay babaan ang singil sa kanya dahil siya ang magbabayad nito hindi ang kanyang amo.

Sinabihan niya ang mga ito na pare-pareho lamang silang naghahanap-buhay kaya’t kung pwede babaan ang singil sa kanya.

Mula siyam na libong piso bumaba ng Php6,500 ang siningil sa kanya. Nabasa niya na NIB towing Services ang pangalan ng wrecker.

“Halos araw-araw naman akong humihinto dun dahil talagang paradahan yun ng mga trak na nagpapalipas ng oras. Hindi ko alam bakit bigla na lang nilang ginawa yun,”  pahayag ni Jay.

Minadali pa daw siyang magbayad ng mga ito dahil kung aabot daw ng dalawampung minuto at hindi pa nababayaran sa impounding area na ang bagsak niya.

Naisip ni Jay na mas malaking problema ang kakaharapin niya kung sakaling dun ang kabagsakan niya. May mga kailangan pa siyang dalhing karga.

“Kinontak ko ang amo ko tungkol sa nangyari. Nagpadala siya ng Php6,500. Yun daw ang sahod ko at ako ang magbabayad dahil kasalanan ko,” salaysay ni Jay.

Abonado pa daw si Jay dahil Php5,500 lang ang sahod niya. Sinamahan pa daw siya ng mga ito na magpunta sa kukuhanan ng pera dahil sayang daw ang kanilang oras.

Tanong ni Jay bakit bigla na lang ni-wrecker ang kanyang trak gayung hindi naman ito sira. Kung huhulihin siya sa illegal na pagpaparada hindi ba dapat binigyan na lang siya ng tiket?

Hindi din daw katiwa-tiwala ang itsura ng mga taong kumausap sa kanya dahil puro tatoo ang katawan at nakasibilyan lang.

“Imbes na may maiuwi akong pera sa pamilya ko wala na lahat. Maghihintay pa ako ng susunod na biyahe para magkapera. Per biyahe kasi ang bayad sa ‘min,” kwento ni Jay.

Binigyan naman daw siya ng resibo pero nakasulat lang sa kapirasong papel. Nagtataka din siya dahil nung una ayaw pang pirmahan ng mga ito.

Walang nakasulat na telepono at sa Malabon ang nakalagay na address. Ang pinakahepe daw nito ay si William Guanzon.

“Kung alam ko lang na huhulihin ako at pagbabayarin ng ganyan di sana nag check-in na lang ako sa isang hotel. Nasa malambot pa akong kutson at naka-aircon. May sabon at shower pa at iba pang mga gamit sa katawan,” sabi ni Jay.

Nais humingi ng payo ni Jay kung paano niya makukuha ang perang ibinayad niya gayung alam niyang tama ang kanyang ipinaglalaban.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo ang sinabi ni Jay sa amin may mga lugar talaga na ‘no parking zone’ o ‘tow away zone’. Magugulat ka na lang na malalagyan ng chain at clamp at iaangat ang iyong sasakyan at hahatakin yan papunta sa yarda ng kanilang impounding area.

May mga ‘towing companies’ na pinili ng MMDA at munisipyo para maghatak ng mga sasakyan. Ang tingin ng mga ito ang unang patak ay Php1,500 at bawat kilometro may dagdag pa dito.

Pagdating sa yarda may tinatawag na demorahe kung saan sisingilin si Jay para sa paglalagay nito idagdag mo pa ang multa ng nilabag na ordinansa ng lugar na yun na no parking area.

Kung gustong itama ni Jay ang mali pumunta siya sa munisipyo ng Quezon City at ipakita niya dun sa Traffic Enforcement Bureau kung talagang pumasok ang perang kanyang binayaran o baka naman nauwi na lamang ito sa kanilang mga bulsa.

Ireklamo niya ang towing company na ito sa ‘dress code’ na hindi pwedeng nakasando at naka-tshirt lamang. Dapat nakasuot sila ng uniporme na may nakalagay na logo ng kanilang kompanya. Dapat ipatawag ang William Guanzon na ito kung lehitimo ang ginawa nilang paghila sa trak na minamaneho ni Jay o para sa kanilang benepisyo lamang ang perang nakuha na nagkakahalaga ng Php6,500.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DAW

JAY

LANG

LEFT

MGA

QUEZON CITY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with