^

Punto Mo

Babae, inaresto makaraang makipagtalik sa kanyang BF habang nasa parking lot

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa sobrang kalasingan kaya nagawa ng isang 36-anyos na babae sa Norfolk, Virginia na makipagtalik sa kanyang boyfriend na lasing din habang nasa isang parking lot ng isang shopping plaza.

Shock ang mga nakakita sa ginagawa ni Kimberly M. Jackson habang nakapatong sa kanyang boyfriend na si Earl Palmer. Marami ang nakakita sapagkat ang parking lot ay malapit sa isang day care center at Army recruitment center.

Ang ibang nakakita ay kinunan ng picture ang ginagawa ni Kimberly at agad na kumalat sa Internet. Pinagpistahan ang ginawang pakikipagtalik ni Kimberly habang nakahiga sa semento si Earl at hindi makagulapay dahil sa sobrang kalasingan.

Sabi ng daycare worker na si Tempesst Robertson, “Nakapandidiri ang kanilang ginawa!’’

Nang dumating ang mga pulis, naabutan pa nilang nasa ibabaw si Kimberly at tulog na tulog naman dahil sa kalasi­ngan si Earl. Inaresto si Kimberly at kinasuhan ng public drunkenness. Dinala naman ng paramedics si Earl sa ospital sapagkat hindi ito magising.

Nang kapanayamin ang dalawa ng mga television at news­paper reporter maka­raan ang nakahihiyang pangya­yari sa parking lot, sinabi ni Earl Palmer na silang dalawa ang may kagustuhan kaya nangyari iyon. “She has needs, I had needs,’’ sabi niya at ipinagtanggol ang GF na si Kimberly sa ginawa nito habang siya ay tulog na tulog dahil sa kalasi-ngan. Gusto raw niyang linisin ang pangalan ni Kimberly. Ang totoo raw ay gising pa siya habang nakikipagtalik kay Kimber-ly pero hindi na niya nakayanan nang nasa gitna na sila at bigla siyang nawalan na ng malay dahil nga sa kalasingan.

Sabi naman ni Kimberly, hindi raw siya nakadama ng takot o pagkapahiya kahit na alam niyang maraming tao ang makakakita sa ginagawa nilang pagtatalik. Basta ang pakiramdam daw niya ay nasa mood siya ng mga sandaling iyon. Ang labis daw na pagkalasing sa alak ang dahilan kaya nila nagawa iyon. Pansamantalang nakalaya si Kimberly makaraang makapag-bail pero marami pa raw isasampa laban sa kanya. Hindi naman sinabi kung ano ang ikakaso laban kay Earl.

Sabi ni Earl, mula raw ngayon ay hindi na sila gagawa ng anumang kahalayan sa publikong lugar kung saan ay mara-ming nakakakita. Magiging discreet na raw sila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DINALA

EARL

EARL PALMER

HINDI

KIMBERLY

KIMBERLY M

NANG

SABI

TEMPESST ROBERTSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with