^

Punto Mo

Sampaguita (150)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA halip na tumigil sa pagtakbo ay lalo lamang binilisan ni Sampaguita ang pagtakbo para hindi abutan ni Levi. Naniniwala siyang hindi totoo ang sinabi ni Levi na may ahas na nakapaligid sa resort. Pag-aari pala niya ang resort na ito. Talagang dito siya dinala para lurayin. Mabuti na lamang at nagising siya at nakatakas. Kung hindi siya nagising, nasira na ang puri niya.

Hanggang sa marinig niya ang sigaw ni Levi. Maliwanag na maliwanag ang sinabi nito:

“Hindi ka makakalabas sa resort ko, Sam. Wala pang nakalabas dito ng buhay! Napapalibutan ito ng ilog. At sa ilog ay naroon ang mga limatik. Sisipsipin ang dugo mo ng mga limatik, ha-ha-ha! Kung ako sa’yo tumigil ka na sa pagtakbo at bumalik sa piling ko! Narinig mo ako Sam? At siyanga pala, Sam, makatawid ka man sa ilog na may mga limatik, hindi ka rin makakaligtas sa mga ahas na nag-aabang sa kabila ng ilog. Tutuklawin ka ng mga gutom na ahas, ha-ha-ha!’’

Pero hindi tumigil si Sam. Nire-reverse psychology siya ni Levi. Kapag naniwala siya, tapos na ang lahat.

Palihim na kinuha ni Sam ang dalawang mutya na nasa bag. Sa ganitong pagkakataon niya lubos na kailangan ang mga mutya para siya maprotektahan.

Nang makuha niya sa bag ang mga mutya, isinubo niya. Pinanatili sa bibig. Sabi ng kanyang Lola Rosa, sa mahigpit na pangangailangan ng proteksiyon, kailangang iba­bad sa bibig ang mga mutya.

Nang nasa bibig na, na­ka­dama si Sam ng kaka­ibang lakas at tapang. Pinagpatuloy niya ang pagtakbo. Walang puknat ang ginawa niyang pagtakbo. Hindi siya susuko. Mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa mahuli ng sira-ulong si Levi. Wala na sa katinuan ang taong iyon na matindi ang galit sa mga babae.

Tumigil siya sa pagtak­bo nang marinig ang lagaslas ng tubig. Ito ang ilog na sinasabi ni Levi. Ito raw ang ilog na may limatik o linta.

Hanggang sa makita niya ang ilog. Malinaw ang tubig. Mala-kristal. Wala naman siyang makitang linta! Baka nga nilalansi lamang siya ng Levi.

Lumusong siya sa ilog. Malamig ang tubig. Walang ipinagkaiba sa tubig ng ilog sa Bgy. Susong Dalaga.

Mababaw lamang ang ilog. Hanggang hita lamang. Kayang-kaya niyang tawirin. Hindi naman niya inaalis ang mga mutya sa kanyang bibig. Parang mayroon siyang kendi sa bibig. Yun nga lamang, walang lasa ang mga mutya. Lasang bato ang mga iyon.

Nang nasa kalagitnaan na siya ng ilog ay na-shock siya sa nakita. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya nakapagpigil at napasigaw nang malakas.

“Eeeeeeeeee!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

HINDI

ILOG

ITO

MGA

NANG

NIYA

SIYA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with