^

Punto Mo

Disiplina at enforcement

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

LALO pang lumubha ang problema sa trapiko na nararanasan sa Metro Manila na ikinaiirita ng publiko.

Mismong ang Malacañang  ang humingi ng paumanhin sa publiko sa nararanasang mabigat na problema sa trapiko lalo na sa  halos buong Metro Manila.

Ayon sa Malacañang ang rason ng pagtindi ng problema sa trapiko ay dahil sa kaliwa’t kanang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) .

Pero normal lang naman ang napakaraming proyekto sa isang bansang papaunlad tulad ng Pilipinas.

Sa ganitong problema, ang pinaka-mainam dito ay ang disip­­lina sa lahat ng motorista at ang maayos naman na enforcement o pagpapatupad ng batas trapiko ng ating gobyerno.

Maaring maibsan pa ang problema sa trapiko kung makiki-pagtulungan ang mamamayan.

Sa panig ng mga motorista, panahon na upang sundin ang mga batas trapiko at ang pinaka-magandang gawin ay ang disiplina ng lahat ng drayber maging pribado man o pampublikong sasakyan.

Ang gobyerno naman ay marapat na maghigpit sa pagpapatupad ng batas ng trapiko na kailangang hulihin at parusahan ang mga motoristang lumalabag sa batas.

Kapag nakikita ng motorista na mahigpit ang mga traffic enforcer  ay mabibigyan ng babala ang lahat upang sumunod sa batas trapiko.

Ang mga Pilipino ay susunod naman sa batas trapiko kung alam nilang sila ay tutuluyang hulihin at mapaparusahan.

Kapag nasa loob ng SBMA sa Subic, Zambales ang mga motorista o sa abroad ay maingat at may disiplina naman sa pagmamaneho kaya maaring maibsan ang problema sa Metro Manila sa pamamagitan ng disiplina at mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BATAS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KAPAG

MALACA

METRO MANILA

MGA

TRAPIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with