^

Punto Mo

Manong Wen (182)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NASA probinsiya rin si Mam Diana kaya nalaman agad ang nangyari sa mga anak. Kauuwi lang nito mula sa Maynila. Nasa bayan siya ng Socorro, ilang kilometro ang layo sa Bgy. Villareal.

Nang malaman ang pangyari, agad nagpas­yang hanapin ang mga anak.

Mabilis na sumakay sa itim na SUV si Mam Diana. Kailangang makita niya sina Princess at Precious.

“Paano mo nalaman na kinidnap ang mga anak ko, Diego?’’ tanong ni Mam Diana habang tumatakbo ang SUV.

“Tinext po sa akin ng drayber ni Jo na si Raul. Kinidnap daw nga po ang iyong mga anak.’’

“Si Jo? Nasaan si Jo?’’

“Sabi po ni Raul, hina­hanap na raw ni Jo ang mga kidnapper. Umalis daw po si Jo para sundan ang mga kidnaper. Hindi po ginamit ang sasakyan na bigay n’yo. Motorsiklo po ang ginamit.’’

Halos mapaiyak si Mam Diana.

“Diyos ko, paano ang mga anak ko. Baka patayin sila. Kung kailangang magbayad ng ransom, magbabayad ako huwag lang nilang patayin o gawan ng masama ang mga anak ko.’’

“Sa highway daw po nagtungo ang mga kidnaper. Itim na van po ang ginamit.’’

“Sige Diego, habulin natin sila! Bilisan mo ang pagpapatakbo.’’

“Bakit hindi po natin isumbong sa mga pulis.”

“Baka magsagawa ng operations ang mga pulis ay madamay ang mga anak ko. Ayaw kong may mangyari sa kanila. Gusto ko makita ang mga anak ko na ligtas.’’

“Sige po. Hahanapin po natin sila Mam.’’

“Salamat Diego. Tulu­ngan mo ako na makita ang mga anak ko. Mahal na mahal­ ko sila!”

“Opo Mam. Nauunawaan kita Mam.”

Binilisan ni Diego ang pagpapatakbo. Kailangang maabutan nila ang mga kidnaper. Sabi sa text ni Raul, sa highway daw nagdaan ang van ng mga kidnaper. Wala namang ibang dadaanan ang van palabas ng Villareal kundi sa highway. At dahil galing sila sa bayan, ma­aaring masalubong nila ni Mam Diana ang mga kidnaper.

Kapag may nasasalubong silang sasakyan ay masusing pinagmamasdan ni Mam Diana. Umaasang makikita ang van na kinaroroonan ng anak.

Subalit malayo na ang kanilang natatakbo at ma­lapit na sa Bgy. Villareal ay wala pa rin silang nasasalubong na van.

“Sige Diego, deretso pa tayo. Malakas ang kutob ko na hindi nagtuloy sa Maynila ang van. Palagay ko narito pa sila.’’

“Ang hinala ko po ay nakalampas na sila, Mam.’’

“Hindi pa, Diego. Ma­lakas ang kutob ko. Sige ideretso mo pa. Palagay ko narito pa sila.’’

Nagpatuloy sila.

Hanggang sa may mapansin sila sa loob ng kakahuyan.

“Ano yun, Diego? Yung nasa kabila ng mga kahoy.’’

Itinigil ni Diego ang SUV. Tiningnan ang itinuturo ni Mam Diana.

“Para pong sasakyan na tinakpan ng mga tuyong dahon ng saging.’’

“Lapitan natin, Diego.”

Bantulot si Diego. Baka pagbabarilin sila. Mga pusakal ang kidnapper at baka lumalapit pa lang sila ay upakan na.

“Lapitan natin.”

“Sige po, Mam.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANAK

DIEGO

MAM

MAM DIANA

RAUL

SIGE

SIGE DIEGO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with