^

Punto Mo

Pergalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI maiwasan na ihambing ko sina NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria at Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian. Parehas silang pulis na may isyung tsapa, ba-tuta at baril, at higit sa lahat miyembro ng PMA Class ’82. Ang pinagkaiba lang nila mga kosa ay nakayang ipa-sara ni Valmoria ang mga pergalan sa Metro Manila samantalang si Gatcha-lian ay hindi man lang ikinumpas ang kamay na bakal niya. Si Valmoria ay magreretiro na next year at si Gat-chalian naman ay sa Enero. Kung si Gatchalian ay kumakalap ng pondo para sa retirement niya, si Valmoria ba ay ayaw ng pitsa? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sa biglang tingin, si Valmoria ay public service ang isinusulong samantalang si Gatchalian ay “bulsa” service? Boom Panes! Ano sa tingin mo DILG Sec. Mar Roxas Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!
Nagsulputan kasi sa ngayon ang mga peryahan sa Metro Manila subalit ni isa man sa kanila ay walang drop ball o color games dahil ayaw ni Valmoria. Nagbanta si Valmoria sa kanyang 38 station commanders na sisibakin sila kapag magkaroon ng drop ball o color games ang mga peryahan sa area nila. Dahil sa kautusan ni Valmoria, puro rides at bingo at iba pa ang ini-offer ng mga peryahan at tiyak malungkot ngayon ang financiers nila. Subalit sa Calabarzon, bukas na bukas ang mga pergalan nina Tessie Rosales at alyas Jessica at mukhang may basbas ni Gatchalian ang operation nila. Dapat lang sigurong sibakin na ni Roxas si Gatchalian dahil sa ilang buwan na lang siya sa puwesto, at wala na itong gagawin sa Calabarzon kundi magkamal ng pitsa, di ba mga kosa? Baka kapag pinaigting ni Gatchalian ang kanyang kampanya laban sa kriminalidad e sumemplang pa siya at hindi na niya makuha ang retirement benefits n’ya. Boom Panes! Kaya ang gagawin ni Gatchalian ay kukuyakuyakoy na lang sa aircon na opisina niya at panay kabig nang parating hanggang sabihin ni Roxas na times up na siya. Ano ba ‘yan?

Sa totoo lang, kung anu-anong gimik na ang ginagawa ng mga bataan ni Gatchalian para lang masabi na may kampanya sila laban sa grupo ni Tessie. Halimbawa, pinatigil ni Supt. Jack Malinao, Lipa City chief of police , ang pergalan nina Tessie at Ivy sa Sabang, Lipa dahil delantera ito. Subalit ang sa laylayan ng Lipa tulad ng pergalan ni Yolly sa Bgy. Bugtong, at ni Tessie sa Bgy. Balagbag ay bukas na bukas din naman. Maaga pa para palakpakan si Malinao, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa probinsiya naman ni Batangas Gov. Vilma Santos, pinapu-tok ng kumare niyang si Tessie at mga kakutsabang sina PO3 Antolin ‘Jhong” Valero at alias Ryan na ipinasara ni PD Sr. Supt. Jireh Omega Fidel ang lahat ng pergalan sa sakop n’ya. Isang text lang, kalat na sa Metro Manila na bukas din naman ang mga pergalan sa Batangas, di ba katotong Cris Ibon at alyas Jupiter?

Lumalabas na may political will si Valmoria at si Gatchalian ay wala? Abangan!

vuukle comment

ANO

BOOM PANES

CALABARZON

GATCHALIAN

LANG

METRO MANILA

TESSIE

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with