^

Punto Mo

Breast cancer

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ANG Oktubre ay Breast Cancer Awareness Month. Linawin natin ang ilang maling akala ng mga tao ukol sa breast cancer.

1.  Kapag may natagpuang bukol sa dibdib, breast cancer na ba iyon. Mali. Sa katotohanan, maliit na porsiyento lamang ng mga bukol ang natutuloy at nagiging breast cancer. Ngunit kung may madiskubreng bukol na kakaiba ang hitsura hindi ito dapat ipagwalambahala. Kailangang sumailalim sa breast examination, at maging breast imaging upang matukoy kung cancerous ang bukol.

2.  Mga babae lamang ang maaaring magka-breast cancer at hindi nangyayari sa mga lalaki. Mali. Bawat taon, mahigit 2,000 kalalakihan ang natutuklasang may breast cancer at mahigit 400 sa mga ito ay mamamatay. Bagamat maliit na bahagi lamang ito ng populasyon, hindi pa rin dapat ipagwalambahala ng mga kalalakihan. Dapat magpa-breast examination. Madalas ang breast cancer sa mga lalaki ay nagsisimula sa matigas na bukol sa ilalim ng nipple. Karaniwang mas madaling mamatay ang mga lalaki mula sa breast cancer dahil hindi sila kaagad nagpapatingin para rito. At dahil late na-detect hindi na naaagapan.

3.   Kung may kasaysayan ng breast cancer sa pamilya, malamang na magka-breast cancer ka rin. Mataas ang risk para sa breast cancer dahil nasa dugo at genes ito. Pero alam n’yo bang ang mga nada-diagnose na mga may breast cancer ay walang family history nito? Nasa 10 percent lamang ang mga natukoy na may cancer dahil sa hereditary factor.

4.   Ang breast cancer ay nakakahawa. Mali. Hindi ito tulad ng sipon o ubo at naipapasa. Ang breast cancer ay resulta ng hindi makontrol na pagdami ng cancer cells na kumakalat sa tissue ng suso. Maaaring pababain ang tsansa na magkaroon ng cancer sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog na pamumuhay at regular na pagpapatingin sa doctor.

5.  Ang paggamit ng mga deodorant ay sanhi ng pagkakaroon ng breast cancer. Walang pag-aaral na nagkukumpirma sa espekulasyong ito.

vuukle comment

BAGAMAT

BAWAT

BREAST

BREAST CANCER AWARENESS MONTH

CANCER

DAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with