^

Punto Mo

Lalaki sa UK, nakapagpatubo nang pinakamalaking sibuyas sa mundo!

- Arnel Medina - Pang-masa

TUWANG-TUWA si Tony Glover ng United Kingdom nang makapagtala ng world record matapos makapagpatubo nang pinakamalaking sibuyas sa mundo.

Nakuha ng sibuyas ni Tony Glover ang titulong “pinakamalaking sibuyas sa buong mundo” ayon sa Guinness Book of World Records matapos mahigitan ang dating world record holder. Umabot sa halos 300 gramo ang lamang sa bigat ng sibuyas ni Tony kumpara sa dating may hawak ng world record.

Bata pa lamang ay mahilig nang magpatubo ng gulay si Tony sa kanyang sariling greenhouse na nasa loob ng kanyang bakuran. Sanay na sanay na ang 49-taong gulang na si Tony sa pagpapatubo ng mga gulay dahil ginagawa na niya ito simula noong siya ay teenager pa lamang.

Ngunit ayon sa kanya ay kakaiba talaga ang dambuhalang sibuyas na tumubo sa kanyang bakuran dahil sa laki nito. Karaniwan kasing umaabot lamang sa higit sa 2 kilo ang mga pinakamalalaking sibuyas na napapatubo niya dati-rati kaya ibang klase talaga ang sibuyas niyang nakakakuha ng world record na may 4 na beses ang bigat.

Wala namang plano si Tony na gamitin sa pagluluto ang kanyang higanteng sibuyas dahil gagamitin niya ito sa pagtatanim upang maka­gawa pa nang marami pang sibuyas na pang-Guinness ang mga laki at bigat.

vuukle comment

BATA

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

KARANIWAN

NAKUHA

NGUNIT

SIBUYAS

TONY

TONY GLOVER

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with