^

Punto Mo

‘Manyakis na general’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI ang mga nagdurusang tahimik sa loob ng kanilang mga tanggapang pinagtatrabahuhan, pinapasukan o ’di naman kaya sa mga eskwelahan.

Karamihan sa kanila, mga babaeng empleyado o mas mababa ang posisyon sa mga abusadong amo o mas nakakataas na kasama sa opisina.

Sexual harassment o pang-aabusong pisikal, mental at emosyunal ang tawag dito. Ang ganitong mga reklamo at sumbong, hindi na bago sa BITAG.

Taong 2012 ng unang ipinalabas ng BITAG sa telebisyon ang pambabastos ng general manager ng Veteran’s Golf Club sa Quezon City.

Isa rin siyang retiradong heneral kung saan lahat ng mga aplikante ng trabaho bilang umbrella girl sa golf club, dumadaan muna sa kanya.

Bilang isa sa mga nakatataas na opisyales ng golf club, ginamit niya ang kanyang tungkulin at posisyon para mang-abuso ng mga babaeng naghahanap ng trabaho.

Ngayon, mapapanood na uli sa website ng BITAG o sa bitagtheoriginal.com ang palabas na ito na may pamagat na “Veterans Hipo.”

Malinaw na makikita at maririnig ang kalaswaan ng pakikipag-usap ng retiradong heneral. Ang bawat tanong, sensitibo, personal at wala nang kinalaman sa trabahong inaaplayan ng mga pobreng babaeng aplikante.

Subalit, dahil sa matinding takot at kasalatan sa buhay, ang mga aplikante, labag man sa kanilang kalooban, nagsasawalang-kibo na lang kapalit ng kasiguraduhang trabaho, pagpapanatili sa pwesto bilang mga “umbrella girl” at promosyon sa trabaho.

Panoorin ang “Veterans Hipo” sa bitagtheoriginal.com kung ano at papaano ang aksyon na ginawa ng BI­TAG sa manyakis at hayok nageneral manager ng golf club.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

BILANG

GOLF CLUB

ISA

KARAMIHAN

QUEZON CITY

VETERANS HIPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with