^

Punto Mo

‘Mga namumulang pisngi at umbok sa ulo’ (Bagong ulat)

- Tony Calvento - Pang-masa

RUNNING, theft and love. Pagtakas sa amo, pagnanakaw at pagkikipag-relasyon (na tinawag niyang love). Ganito na umano kabigat ang kasong kinakaharap ng ating kababayan sa bansang Doha, Qatar.

“ ‘Di makauwi-uwi ang anak ko dahil tinadtad siya ng kaso,” ani ng inang si ‘Chona’.

Nagbalik sa aming tanggapan si Chona Jimenez Pantino, 54 na taong gulang ng Mandaluyong City. Una na naming naitampok ang sinapit ng anak ni Chona na si Mae Abegail Jimenez o “Abby”, 26 anyos. Cashier/Crew sa isang restaurant sa Doha, Qatar. Pinamagatan namin ang pitak na ito na, ‘Mga namumulang pisngi at umbok sa ulo’.

Sa isang pagbabalik tanaw, buwan ng Agosto 2012, nagsimulang magtrabaho si Abby sa kanyang among ‘Indian National’. Kwento ng Pinay sa ina, nakursunadahan umano siya ng amo at panay dikit daw sa kanya. Naging diretso naman daw si Abby at sinabing, wala na siyang ibang gusto kundi magtrabaho. Enero 2013, tumawag si Abby sa inang si Chona at sinabing tumakas na siya sa ‘employer’. Umano’y pagkaladkad ng amo, pananampal at pag-umpog ng malakas sa kanyang ulo sa pader ang dahilan ng pag-alis ni Abby. Ang inabot  niyang ito ay dahil umano inakala ng kanyang amo na gumagamit siya ng cellphone habang nagtatrabaho.

“Nabangga siya ng isang kasamahan may sinagot noon na tawag sa cellphone. Nabagsak ang tray na hawak niya. Nakita ng employer niya. Ang masama napagkamalang siya ang sumagot ng tawag,” pagsasalarawan ng ina.

Nireport ni Abby sa pulisya ang umano’y nangyaring pananakit. Tinulungan siya ng mga ito at pinatawag ang kanyang employer subalit ‘di ito sumipot. Tuluyan niyang nireklamo ang kanyang amo. Sa pagdinig, inalok daw siya nitong bumalik na lang sa trabaho subalit takot na si Abby at sinabing hindi na siya kailanman babalik. Mula nun wala ng nakuhang ibang trabaho si Abby at nanatili na lang sa ating embahada sa Doha. Inilapit ni Chona sa amin ang kanyang kahilingan mapauwi ang anak.

Ika-3 ng Pebrero 2014, itinampok namin si Chona sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN). Agad ka­ming nakipag-ugnayan kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Kinapayam namin si Usec. Seguis sa radyo at agad naming ini-email ang mga detalye tungkol sa Pinay para mabilis na maiparating kay Ambassador Cresente Relacion, ng Doha, Qatar. Ika-11 ng Pebrero 2014, nakatanggap kami ng sagot mula sa email tungkol sa kundisyon ng Pinay. Ito ay mula kay Philip T. Alano ng POLO-Overseas Worker Welfare Administration (OWWA), Qatar. Ito ang nilalaman ng una niyang email:

Sir,

OFW Abegail G. Jimenez sought refuge in our FWRC on October 1, 2013. She was endorsed to the SFUD last November 27, 2013 but she cannot be repatriated soon because of her outstanding loan with her employer amounting to QR 28,000.00. We will provide update once available.

Philip T. Alano

OWWA-Qatar

Sa ‘email’ na ito, nilinaw na meron daw pagkakautang umano si Abby sa kanyang employer. Patuloy kaming kumuha ng balita tungkol sa kaso ni Abby. Ika-14 ng Pebrero 2014, nakatanggap kaming muli ng email galing kay Usec. Seguis. Nilinaw nilang ang pagkakaroon ng utang ni Abby ang dahilan kung bakit hindi pa siya mapauwi sa bansa. Our ATN officer will again consult the Search and Follow-Up Section of the Immigration Department...—laman pa ng email.

Ika-24 ng Enero, bumalik sa aming tanggapan si Chona. Ayon sa kanya tumawag ang anak na si Abby nung ika-20 ng Enero at sinabing nasa SOLA Deportation na siya  subalit ‘di daw siya makakaalis ng bansa dahil kina­suhan daw siya ng amo. “Running, theft, love… yan daw ang kinaso sa anak ko. Dahil tumakas daw siya, nagnakaw at nakipag-relasyon daw siya,” wika ng ina. Para beripikahin ang balitang ito, tinanong namin muli si Usec. Seguis.

Nakatanggap kaming muli ng email. Ayon na mismo kay Amba. Relacion, nakausap na nila ang opisyales ng deportation at inimpormahan sila na hindi basta maaring makauwi si Abby hanggat wala pang ‘resolution’ ang kaso na sinampa laban sa Pinay ng nag-‘sponsor’ ng kanyang utang na aabot daw sa Qatar Riyals 30,000 o katumbas na Php350,000. Kailangan daw muna niyang mabayaran ang halagang ito bago siya tuluyang pabalikin sa Pilipinas. Agad na­ming binalita kay Chona ito. Ika- 26 ng Enero 2014, bumalik sa amin si Chona. Itinampok namin siyang muli sa aming programa sa radyo ang “CALVENTO FILES”/ “HUSTISYA PARA SA LAHAT”.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, para tiyakin kung maliban sa kasong pangu­ngutang may kinakaharap pang ibang kaso si Abby, lilinawin namin ito sa ating Consul Ge­neral sa Doha, Qatar. Kahit anong gawin namin na pakikipag-ugnayan sa mga opisyales ng DFA, hindi basta maaring pauwiin muna itong si Abby. Unang-una, may sinampa siyang kaso laban sa kanyang employer. Pangalawa, nagkontra-demanda sila. Ang pinakamagandang gawin d’yan ang tignan ang maaring gawin ng DFA na magkaroon ng isang solusyon, ‘amicable settlement’ kung saan may katanggap-tanggap na solusyon o ‘Win-Win Solution’ para sa magkabilang panig. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

vuukle comment

ABBY

CHONA

DAW

DOHA

ENERO

IKA

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with